Skip to product information
1 of 1

Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntonghininga

Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntonghininga

SKU:PB-10-42658

Regular price $50
Regular price Sale price $50
Sale Sold out
Shipping calculated at checkout.

Low stock: 1 left

Bilang apologia pro vita sua, o mga awit patungkol sa sarili, ang apatnapung tula sa unang koleksiyon ni Paolo Tiausas, ang Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntonghininga, ay postmodernong kalipunang namumutiktik sa halos siyento porsiyentong autobiyograpikal na anekdota na payugto-yugtong tatambad sa mambabasa nang nabibihisan ng sisteng maanghang-na-mapait-na-nakapanlulupaypay sa mga larawan ng kahirapan at/o kabuktutang sinadya at/o di-sinadya, kamangmangang mistulang bálat sa utak, at makapal na compendium ng mga bagay (i.e., sa konteksto ng tulang “Bagay” ng kilusang pampanitikang tubong-Ateneo) na nilelente ng mapanuri at mapanuksong pagsisiyasat sa kung paano nabibisaklat o napipilay ang aparatong intelektuwal ng iskolar at kung paano rin niya buong husay na babaligtarin ang unipormeng pang-Atenista upang matambad ang mga himulmol, butas, o wakwak na sinulsihan nang buong ingat, o, nang kung papa-papaano lamang.
—Benilda S. Santos

Kung pag-usapan ni Paolo Tiausas ang kanyang kabataan, aakalain mong may ilang siglo nang lumipas ang buhay na kanyang tinutulaan gayong wala pang isang dekada ang karamihan ng mga sentimyentong pinagninilayan. Sa ganitong paraan nagkakatimbang ang kanyang mga tula: habang binabaybay nito ang magkahalong kabaduyan at kababawan ng pagkabata, tinatawid din ng mga ito ang isang uri ng intelektuwalidad na tumutuhog kung bakit ginagawa ng mga bata—ng mga tinaguriang millennial—ang kanilang ginagawa nang hindi sumasandig sa lohika ng popular at karaniwan. Nagbubukas ng pagkakataon ang koleksiyon na bigyan ng higit na partikularidad ang youth culture ng Pilipinas, mula sa kahulugan ng pagpalit ng regalo sa mga kaeskuwela tuwing Pasko hanggang sa masalimuot na pagsalikop ng aktuwal na panahon sa mga reglamentong lumilikha ng kani-kanilang siklo ng umpisa’t katapusan, ng mga katuturan at esensiyang hinihigitan pa ang timbang ng mismong buhay at kamatayan. Pamilyar ang mga tao at mga eksenang ito: ang Ingleserang principal sa ating mga paaralan, ang alangang halakhak habang nanonood ng Funniest Home Videos, ang mga sabi-sabi tungkol sa pag-ibig na naging biblikal at naturalisado. Lumilitaw ang isang tinig na—bagama’t bata sa kanyang panunudyo, pananariwa, at pakikitungo—nananatiling tapat sa diwa ng pakikisalamuha sa mga posibilidad ng isang daigdig na paulit-ulit sinusugatan ang kanyang kamusmusan. Sa halip na ipagdalamhati o ipag-nostalgia ang pambubusabos sa kabataang ito, bumabangon ang persona ng koleksiyon at ipinagbubunyi ang kanyang kaibahang nakababatid na “walang pinagkaiba sa responsibilidad / ang alaala,” sapagkat “kailangan mong mabuhay nang nagwawala’t nawawala.”
—Joseph T. Salazar

Author: Paolo Miguel G. Tiausas
ISBN/ISSN: 978971542939-9
Category: Literary; Poetry
Copyright: 2021
Pages: 144pp
Size: 6x9
Type: PB/SP

  • Free US domestic shipping for orders $150+
  • Ships from New Jersey or Manila, whichever location has the book in stock and is closer to you. See shipping options at checkout.

Author:

Publisher: UP Press

Year: 2021

Condition: New

Cover:

Language: Filipino

ISBN:

Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.

Shipping: We ship globally. Message us if you do not see your country at checkout.

View full details

FAQs

What is your shipping policy?

In-stock orders are shipped within 48 hours. You will receive a tracking number via email once your order is on its way.

If the book you ordered is on back order, we will let you know when to expect its delivery. You can read our shipping policy here.

What is your return policy?

If you are not satisfied with your purchase, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.

  • Sale items and gift cards are final sale.
  • We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur. 
  • If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.

You can read our full return policy here.

Can you help me find books not offered in your shop?

We offer a free book search service. Give us the details of the book (title, author, publisher, year) and we will look for it for you. If we find it, we will give you a quote so you can decide whether to move forward or not. You will not be obliged to make the purchase.

Do you ship to my country?

Yes, we ship globally. If you do not see your country as an option at checkout, please let us know.

Customer Reviews

Be the first to write a review
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)