Skip to product information
1 of 1

Sanga sa Basang Lupa at Iba Pang Kuwento by Jim Pascual Agustin

Sanga sa Basang Lupa at Iba Pang Kuwento by Jim Pascual Agustin

SKU:PB-10-41816

Regular price $30
Regular price Sale price $30
Sale Sold out
Shipping calculated at checkout.

Low stock: 1 left

Unang nakilala si Jim Pascual Agustin bilang makata, at ngayo’y nagpapakilala siya bilang kuwentista sa "Sanga sa Basang Lupa at iba pang kuwento." Dito makikitang tumutulay ang diwa ng pagkamakata sa kanyang mga kuwento: may ingat siya sa pagdidisenyo ng talinghagang aagapay hindi lang sa mga imaheng tatatak sa kamalayan, kundi pati sa mismong dinidiskurso ng mga imahe. Kaya papasukin na ang mga mariposa ng gunita, ang mga nagsasalitang kumpol ng mga kawayan, ang nagsasangang landas ng tubig sa kalsada, ang impit na halakhak at pait ng mga musmos na binabawian ng kawalang-malay. May talas ng pandinig si Agustin sa awtentikong dayalogo, laging organiko ang sibol ng kanilang pananalita, lente’t pulso ng kanilang pagkatao. May sikhay rin ang kuleksiyon—masinop na tinipon ang mga akdang nasulat na may dalawang dekada na rin ang nakalilipas, at marahil kaya rin naman pinagpasyahang ilimbag ay sapagkat naniniwala ang awtor na hindi naman kumukupas ang mga pag-iral na nasa sitwasyon, na nasa tauhan, na nasa mundong ipinamamalas.
—Luna Sicat Cleto

May iba’t ibang anyo ng pagharap sa kamatayan sa mga kuwentong naririto. Karaniwa’y biktima ng karahasan. Kapamilya. Kalaro. Kapitbahay. Mga kababayan. Kahit ang hindi talaga kakilala nang personal. Naratibo ito ng mga pagtatangkang magpatúloy ang búhay, samantalang nagtatagisan ang totoong-totoong daigdig sa isang banda, at ang pahiwatig ng pantastiko sa kabila. Paalala ang mga kuwentong ito ng mga hindi kayang paslangin ng kamatayan, tulad ng mga multong kinakatha ng ating buhay na modernisado’t patuloy na naisasantabi.
—Edgar Calabia Samar

Tinuruan tayong matakot sa mga multo, tiyanak, aswang, at kung ano-ano pa. Tinuruan din tayo ng trick or treat o buhay ng mga santo. Ang hindi itinuro sa ati’y ang katotohanang ayaw nating makita, o itinatanggi, ang mga dislokasyon sa ating panahon. Nasa tabloid ang ilang balita, at ang mas marami sa mga nakakatakot na balita ay nasa damdamin ng mga taong biktima ng dislokasyong nagaganap sa kanilang buhay, dislokasyon sa kanilang komunidad, dislokasyon sa pamilya, at ang masaklap, dislokasyon sa sarili. At ang mga fiksyunal na realidad na ito’y isinulat ni Agustin, dalawang dekada na ang nakakaraan. Kay dami niyang nakikita. Nakakatakot, kay dami pang dapat nating alamin sa ating panahon.
—Jun Cruz Reyes

  • Free US domestic shipping for orders $150+
  • Ships from New Jersey or Manila, whichever location has the book in stock and is closer to you. See shipping options at checkout.

Author: Jim Pascual Agustin

Publisher: UST Publishing House

Year:

Condition: New

Cover:

Language: Filipino

ISBN:

Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.

Shipping: We ship globally. Message us if you do not see your country at checkout.

View full details

FAQs

What is your shipping policy?

In-stock orders are shipped within 48 hours. You will receive a tracking number via email once your order is on its way.

If the book you ordered is on back order, we will let you know when to expect its delivery. You can read our shipping policy here.

What is your return policy?

If you are not satisfied with your purchase, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.

  • Sale items and gift cards are final sale.
  • We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur. 
  • If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.

You can read our full return policy here.

Can you help me find books not offered in your shop?

We offer a free book search service. Give us the details of the book (title, author, publisher, year) and we will look for it for you. If we find it, we will give you a quote so you can decide whether to move forward or not. You will not be obliged to make the purchase.

Do you ship to my country?

Yes, we ship globally. If you do not see your country as an option at checkout, please let us know.

Customer Reviews

Be the first to write a review
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)