Sa Tuwing Ikaw ay Tahimik Mga Tula (The Philippine Writers Series 2022)
Sa Tuwing Ikaw ay Tahimik Mga Tula (The Philippine Writers Series 2022)
SKU:PB-10-41792
Couldn't load pickup availability
Low stock: 1 left
Ang mga tula ay malikhaing pagsasaboses sa naging pag-uusisa ng makata sa kung bakit may mga pagkakataong tahimik ang bata. Ramdam ko na ang kinang sa mata ng mga batang mambabasa bilang pagsang-ayon sa mga tulang nagbibigay-tinig sa kanilang mga karanasang tinimpi ng pananahimik. Kakampi ng mga bata ang mga tulang ito, at iyon ang pinakamakapangyarihang ambag ni Alquisola sa kanyang koleksiyon.
Christine S. Bellen-Ang, PhD
Manunulat at Mandudula Para sa mga Bata Maraming gustong sabihin ang koleksiyon ng tulang Sa Tuwing Ikaw Ay Tahimik sa panulat ni Vijae Alquisola: ako ang batang nagpipigil ng ihi, ang batang sinlaki ni Santa Klaws, ang batang ikinahihiya ang baon, may ADHD, at ang batang binu-bully sa internet. Iba-iba ang mga tauhan, iba-iba ang danas pero halos iisa ang damdaming nangingibabaw. Ako ay bahagi ng minorya, may katangian o karanasang kaiba sa alam o nakasanayan ng nakararami. May mali ba sa akin?
Ang mga salita ni Vijae ay tumatagos sa pahina, yumayanig ng alaala, at kumukurot sa puso ng mga bata at pusong bata. Sa tulang “Kulas Kupas” mula sa koleksiyon, inilarawan ang pang-aasar: sana’y kumukupas kapag tumagal. Ang naisasawalang-bahala ng matatanda ay maaaring mabigat na isyu para sa mga bata. Hindi ba’t lahat tayo ay minsan nang nangarap na kumupas ang problemang hinaharap? Ganito ang mga tula ni Vijae. Iniimbitahan tayong kumustahin ang iba’t ibang batang Pilipino. At nagpapaalala—’ika nga sa tulang “Sa Tuwing Ikaw Ay Tahimik,” “kung ang hapon sa paarala’y tila along humahampas— / isiping mararating mo rin, pampang ng ating tahanan.”
Isang mahalagang ambag sa panitikang pambata ng Pilipinas, pinapaalala ng koleksiyong ito ang kahalagahan ng ingklusyon at pagtugon sa mga panlipunang isyung kinakaharap ng iba’t ibang batang Pilipino. Rekomendado para sa mga bata at pusong bata.
Sierra Mae Paraan
Basic Education Advisor
Save the Children
Author: Vijae O. Alquisola
ISBN/ISSN: 978971542987-0
Category: Literary; Poetry; Children's Poetry
Copyright: 2022
Pages: 58pp
Size: 9x11
Type: PB/Glossy
- Free US domestic shipping for orders $150+
- Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
- Author and Publisher: , UP Press 2022
- Condition and Binding: New / Softcover
- Language: Filipino
Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.
Share

FAQs
What is your shipping policy?
In-stock orders are shipped within 48 hours. You will receive a tracking number via email once your order is on its way.
If the book you ordered is on back order, we will let you know when to expect its delivery. You can read our shipping policy here.
What is your return policy?
If you are not satisfied with your purchase, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.
- Sale items and gift cards are final sale.
- We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur.
- If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.
You can read our full return policy here.
Can you help me find books not offered in your shop?
We offer a free book search service. Give us the details of the book (title, author, publisher, year) and we will look for it for you. If we find it, we will give you a quote so you can decide whether to move forward or not. You will not be obliged to make the purchase.
Do you ship to my country?
Yes, we ship globally. If you do not see your country as an option at checkout, please let us know.