Skip to product information
1 of 1

Pauwi sa Wala: Paglalakad mula 1984 hanggang 2024 ni Jim Libiran

Pauwi sa Wala: Paglalakad mula 1984 hanggang 2024 ni Jim Libiran

SKU:PB-10-41611

Regular price $30
Regular price Sale price $30
Sale Sold out
Shipping calculated at checkout.

Low stock: 1 left

Tungkol sa aklat:
“Sa loob ng halos sandaang tungayaw, sigaw, sambulat, mura, muni, bulong, haplos, tunganga at hikayat ay naisatula ni Jim Libiran ang pinakabatayan at pinakamahalagang hangad ng mabudhing makata: liwanag, sining, pag-ibig, pagkatao, laya at matayog na kamalayan. Matinding laro lamang sa salita tila ang lahat pero hinding-hindi nanghihinawa ang pagkarebelde ng makata sa lahat ng tumatambang sa sarili't kapuwa sa lungsod at nayong dinadaganan ng "panginoong kawatan ng kaligayahan." Digma ang buhay at magiting na kasama natin tungo sa liwanag ang makatang Libiran.” —Romulo Joey Baquiran
“Walang-wala. Walang makababalewala sa pagwawala ng makatang Jim Libiran na sa simula ay maáakalà na mapagwalambahala sa tula at pagtula, na wala diumanong nápapalâ kundi pagbabalik sa wala. Ang malalâ, pagpapalà na napakákawalan ang kawalang mulala, at nagsasabulâng bulaan ang kaniyang mga talinghaga na aligagang-aligaga sa mga nakabubulaga na nakabulagtang naglalátang na paratang at paráting pagbutingting sa itinuturing na magaling, ngunit marahil hindi tama kayâ sumasamâ. Walang kawala ang sinuman sa pagpapakawala niya ng hámon ng mga pagkakataón upang matunton ang sanhi kung bakit sa ating pagtalunton ay matutuklasang meron ang wala. Basahin ang aklat na ito at sandaling hayaan ang diwang malibiran ni Libiran. Manalig lang sa makata, magtiwala sa wala. May alay siyang gantimpala na di-iilang matulaing paraan ng pagkawala.” —Michael M. Coroza
“Wala na nga. Wala. Wala nang hihigit pa sa pagkadalisay at pagkadakila ng pag-ibig ni Jim Libiran sa kaniyang tinubuang lupa. Sa Pauwi sa Wala, binalikan niya – matapos ang malayo-layo ring paglalagalag o pagliliwaliw o pagsasayang ng oras sa iba’t ibang lugar at larang o liblib na usapa’t usapin – ang una’t huli pala niyang mahal. Tula, sa bandang huli, ang kaniyang imbakan, o di kaya’y tambakan, ng pinakamalalim, pinakamatayog, at/o pinakamalawak niyang dalumat sa daigdig.”
—Victor Emmanuel Carmelo “Vim” Nadera
“Tama ang lahat ng sinabi nila. At dahil more than 40 years overdue na ang aklat na ito, hindi na ako magdadagdag. Baka maudlot pa ang paglabas at maghintay pa ulit tayo ng 40 years."
—Lourd de Veyra

  • Free US domestic shipping for orders $150+
  • Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
  • Author and Publisher: Jim Libiran, UST Publishing House 2024
  • Condition and Binding: New /
  • Language: Filipino

Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.

View full details

FAQs

What is your shipping policy?

In-stock orders are shipped within 48 hours. You will receive a tracking number via email once your order is on its way.

If the book you ordered is on back order, we will let you know when to expect its delivery. You can read our shipping policy here.

What is your return policy?

If you are not satisfied with your purchase, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.

  • Sale items and gift cards are final sale.
  • We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur. 
  • If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.

You can read our full return policy here.

Can you help me find books not offered in your shop?

We offer a free book search service. Give us the details of the book (title, author, publisher, year) and we will look for it for you. If we find it, we will give you a quote so you can decide whether to move forward or not. You will not be obliged to make the purchase.

Do you ship to my country?

Yes, we ship globally. If you do not see your country as an option at checkout, please let us know.

Customer Reviews

Be the first to write a review
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)