Pamumuhay sa Panahon ng Ligalig
In stock
Isinilang si BARTOLOME PASION noong 1928 mula sa pamilya ng kasamá sa isang tradisyonal na asyenda sa lalawigan ng Pampanga. Noong 1942, sa gulang na labing-apat, sumapi siya sa makakaliwang hukbong gerilya laban sa mga Hapon, at sa kalaunan ay sumapi siya sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at sa armadong hukbo nito, ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB). Lumahok si Pasion sa rebelyong pinangunahan ng PKP-HMB noong 1946–1950s. Siya’y nadakip at napiit nang siyam na taon. Nang siya’y lumaya, ipinagpatuloy niya ang mga gawaing pag-oorganisa ng mga pesante at sa kalaunan ay naging kasapi ng namumunong organo ng PKP. Mula taong 1970 pataas, nagpatuloy siya sa pag-oorganisa ng kaniyang kapuwa magbubukid habang nakikisalamuha sa mga grupo ng lipunang sibil at kilusang masa. Namatay siya noong Hulyo 2016.
Ang isinagawang pag-aaral na ito’y kasaysayan ng buhay ng mga karaniwang tao at ang pagsasalimbayan at pagtatagpo sa pagitan ng buhay ng isang tao at ng mas malalaking bagol ng kasaysayan ng mga pangyayaring nagaganap sa lipunan at kung paano ito nakaapekto sa isa’t isa, ng mga akdang nailatag mula sa perspektibang “kasaysayan mula sa ibaba.” Subalit tulad ng tinuran ni Reynaldo Ileto, ang pananaw na ito’y nag-aalis din ng mga modelo ng pag-uugaling “binuo sa alinman / o sa mga oposisyon” at sa pagtuklas sa mga “bahagyang katapatan, binabantayang mga akomodasyon, pabago-bagong identidad, at pagbabago sa kahulugan ng awtoridad at kaligtasan.”
Ang kasaysayan ng buhay ni Bart Pasion ay sumasalamin sa buhay ng mga tinutukoy ni Eric Hobsbawm na “mga di-karaniwang tao . . . na kolektibo, kundi man bilang indibidwal . . . ay mga pangunahing aktor sa kasaysayan,” at sa kanilang kaisipan at ginawa ay nagdulot ng pagbabago. Idinagdag naman ni Al McCoy na “sa pamamagitan ng masinsing pagsusuri sa karaniwang buhay at ikalawang antas na mga lider, naliliwanagan ng mga gayong talambuhay ang mga malabong bahagi sa loob ng malawak na nakaraan ng Pilipinas, na nagpapahintulot sa higit na malawak na pagtingin sa proseso ng pagbabago.”
Author: Eduardo C. Tadem
Translator: Gregorio V. Bituin Jr.
ISBN/ISSN: 978621090054-5
Category: History
Copyright: 2024
Pages: 248pp
Size: 6x9
Type: PB/SP
Details
Details
Author: Eduardo C. Tadem
Publisher: University of the Philippines Press
Year: 2024
Condition: New
Cover: Softcover
Language: Filipino
ISBN: 9786210900545
Shipping and Return Policy
Shipping and Return Policy
We ship globally from two locations: New Jersey and Manila.
For books shipping from New Jersey, we offer USPS Media Mail, USPS Ground Advantage, and USPS Priority Mail. For non US addresses, we ship via DHL.
For books shipping from Manila to the US, you can choose between two options.
Express: Your book ships directly to you via DHL. This is the fastest option.
No Rush: Your book is included in our regular shipment from Manila to NJ. Once it arrives in NJ, we ship it to you right away via USPS. This option takes longer but helps keep shipping costs lower.
For non-US addresses, we ship via the Express option.
If you don't see your country as a shipping destination, contact us so we can help you out.
You can read our full shipping policy here.
Return Policy
Return Policy
We want you to be happy with your purchase. If you are not satisfied, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.
- Sale items and gift cards are final sale.
- We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur.
- If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.
You can read our full return policy here.
Your security is our top priority.
We use industry-standard SSL (Secure Sockets Layer) encryption to ensure your information is fully protected.
We do not store credit card details nor have access to your payment information.

