Skip to product information
1 of 1

Paglusong: Mga Tula by Radney Ranario

Paglusong: Mga Tula by Radney Ranario

SKU:PB-10-41569

Regular price $30
Regular price Sale price $30
Sale Sold out
Shipping calculated at checkout.

Low stock: 1 left

Nasubaybayan ko ang panulaan ni Radney Ranario: mula sa kanyang mga tentatibong pagtatangka habang nasa kolehiyo, hanggang sa tuluyang pamumukadkad ng kanyang talinghaga sa koleksiyong ito. Ang kahandaang lumusong—nang bukás hindi lamang ang mga pandama kundi lalo na ang puso—sa iba’t ibang tubig; o sumuong sa bundok man, himpapawid, o kalawakan, ang siyang birtud ng aklat na ito ng mga tula na madalas ay nagmumuni: mula sa kahulugan ng lumulutang na dumi sa baybayin ng Maynila, sa pagtigil ng mga saglit habang nakasakay sa bus, hanggang sa pagtutuos sa lawak ng kosmos. Sa "Paglusong," inaanyayahan tayo ni Ranario na maglakbay sa mga pahina ng librong ito, dahil habang lumulusong at umaahon sa mga nariritong tula, “Pagdaka’y mamumulagat ka na lamang/ kung sa paglakad ay may matisod kang uka/ o bakás, lalim sa buhangin.” Mamangha kang gawa lamang iyon ng alon, at matatantong nasa mumunting pagkamangha ang lugod ng pagbása sa aklat na ito.
–Jerry B. Gracio

Masarap magtampisaw sa dalisay na batis ng talinghaga ng makatang si Radney Ranario. Sa ingay ng mundo, ang mga ganitong payapang kapangahasan ang dapat umiral tuwi-tuwina. Kung magkakaroon ng ikalawang pamagat ang koleksyong ito, mungkahi ko: "Dapat Noon Pa Ito."
–Joselito D. Delos Reyes

“Matahom ang mga pananalinghaga ni Radney Ranario. Ang bawat paglusong sa kanyang mga tula, personal man o pulitikal, ay ang pagdamang muli sa mga likidong damdamin na umaaliw-iw sa ating haraya hanggang sila’y sumanib sa ating buto’t laman. Ninanamnam nating muli ang malamig na tubig ng pamamaalam at pagbabago hanggang sila’y maging awit sa ating kaluluwa.”
–Noel P. Tuazon

Sa unang librong ito ng mga tula ni Radney Ranario naglalatag siya at nagtataya kung ano ba talaga ang tula at kung paano tumula. Angkop ang pamagat na Paglusong sapagkat “malapot ang alaala / ng nagdaang mga tag-ulan / naninikit sa guniguni” at “ritwal ang paglusong / sa baha.” May mungkahi siya kung paano harapin ang “amoy-putik na talinghagang umaagos / sa mga lagusa’t imburnal ng pandama” at kung paanong “’wag sanang lumutin ang dibdib / maputikan ang isip.” Ito ay ang “magkapakpak nawa kami’t magsa-anghel / dito sa lupa / nang umangat at lumipad kung matrapik na sa EDSA,” at katulad ng isang pulubi sa lungsod ay “patay na bituin ang kaniyang mga mata.” Patay man ay bituin pa rin, may ningning na di mamamatay at patuloy na maglalakbay sa lumalawak na uniberso ng buhay, “iginigiya ng pag-asang / huhupa rin ang tubig, / ligalig.”
–JOHN IREMIL E. TEODORO

  • Free US domestic shipping for orders $150+
  • Ships from New Jersey or Manila, whichever location has the book in stock and is closer to you. See shipping options at checkout.

Author: Radney Ranario

Publisher: UST Publishing House

Year:

Condition: New

Cover:

Language: Filipino

ISBN:

Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.

Shipping: We ship globally. Message us if you do not see your country at checkout.

View full details

FAQs

What is your shipping policy?

In-stock orders are shipped within 48 hours. You will receive a tracking number via email once your order is on its way.

If the book you ordered is on back order, we will let you know when to expect its delivery. You can read our shipping policy here.

What is your return policy?

If you are not satisfied with your purchase, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.

  • Sale items and gift cards are final sale.
  • We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur. 
  • If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.

You can read our full return policy here.

Can you help me find books not offered in your shop?

We offer a free book search service. Give us the details of the book (title, author, publisher, year) and we will look for it for you. If we find it, we will give you a quote so you can decide whether to move forward or not. You will not be obliged to make the purchase.

Do you ship to my country?

Yes, we ship globally. If you do not see your country as an option at checkout, please let us know.

Customer Reviews

Be the first to write a review
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)