Mga Dahong Unang Nalagas Kasaysayang Taong Labas at Rebolusyonaryo nina Asedillo at Encallado
In stock
Sa bansang tila hindi nakakamit ang tunay na kapayapaan, ang pag-unawa sa pinanggagalingan ng kaguluhan ay mahalaga. Ang salitang bandido, tulisan, rebelde, o terorista ay laman ng ating pang-araw-araw na bokabularyo. Ang armadong pagkilos na naganap noong 1935 ang kauna-unahang armadong tunggalian na kinaharap ng pamahalaang Komonwelt. Sa kasaysayang ito mula sa ibaba, mauunawaan ang mga elementong lalaman sa sumunod na armadong pakikibaka sa lokal at pambansang antas, hanggang sa kasalukuyan.
Sa akademikong pag-aaral na ito mabibigyang-linaw ang ilang pangkasaysayang kaganapang lokal sa Timog Katagalugan at sa bansa sa panahon ng kolonyalismo at ng Komonwelt. Makikilala ang personalidad nina Teodoro Asedillo at Nicolas Encallado, dalawang indibidwal na matagal na nasa laylayan ng pagsasalaysay ng kasaysayan. Gamit ang hindi karaniwang mga batis pangkasaysayan, binuo ang salaysay ng mga indibidwal, komunidad, at bayan na bahagi na ng kasaysayang Pilipino. Binibigyang-diin na sa mga kadahilanan ng mga kaganapang pangkasaysayan, ang mentalidad ay mahalagang maunawaan lagpas sa mga kadahilanang dulot ng mga estrukturang panlipunan. Sa ganitong pag-unawang pangkasaysayan, higit tayong mabibigyan ng kaalaman upang ayusin ang mga maling unawa at tila walang saysay na mga gawain at kaganapan. Sa ganito, mauunawaan at sana’y maiwasto ang kultura ng karahasan sa ating lipunan. Sa kasaysayang ito, walang tunay na bida, walang tunay na kontrabida..
TUNGKOL SA AKLAT Sa pagkakataong ito ay may aklat na nagsasalaysay ng isang kasaysayan tungkol sa tinatawag na mga “taong labas.” Nakasentro ang salaysay sa talambuhay nina Nicolas Encallado at Teodoro Asedillo. Ang kanilang pinanggalingang uri sa lipunan at ang nakabalot na panlalawigan at pambansang kasaysayan na kanilang ginalawan ay masusing pinag-aralan. Ito’y isang aklat pangkasaysayan na sumunod sa akademikong disiplina ng kasaysayan upang lalong lumapit ang kaalaman sa mga pangyayari sa nakaraan tungo sa pag-unawa ng pagka-Pilipino ng mga mamamayan sa kasalukuyang lipunan.
Author: Victor Paz
ISBN/ISSN: 978621090014-9
Category: Social Science; History
Copyright: 2024
Pages: 402pp
Size: 7x10
Type: PB/BP
Details
Details
Author:
Publisher: UP Press
Year: 2024
Condition: New
Cover: Softcover
Language: Filipino
ISBN: 9786210900149
Shipping and Return Policy
Shipping and Return Policy
We ship globally from two locations: New Jersey and Manila.
For books shipping from New Jersey, we offer USPS Media Mail, USPS Ground Advantage, and USPS Priority Mail. For non US addresses, we ship via DHL.
For books shipping from Manila to the US, you can choose between two options.
Express: Your book ships directly to you via DHL. This is the fastest option.
No Rush: Your book is included in our regular shipment from Manila to NJ. Once it arrives in NJ, we ship it to you right away via USPS. This option takes longer but helps keep shipping costs lower.
For non-US addresses, we ship via the Express option.
If you don't see your country as a shipping destination, contact us so we can help you out.
You can read our full shipping policy here.
Return Policy
Return Policy
We want you to be happy with your purchase. If you are not satisfied, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.
- Sale items and gift cards are final sale.
- We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur.
- If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.
You can read our full return policy here.
Your security is our top priority.
We use industry-standard SSL (Secure Sockets Layer) encryption to ensure your information is fully protected.
We do not store credit card details nor have access to your payment information.

