Skip to product information
1 of 1

Menarki: Mga Kuwento (The Philippine Writers Series 2024)

Menarki: Mga Kuwento (The Philippine Writers Series 2024)

SKU:PB-10-41359

Regular price $30
Regular price Sale price $30
Sale Sold out
Shipping calculated at checkout.

Low stock: 1 left

Bagaman kinikilala niyang produkto siya ng “institusyonalisadong aparato” sa pagsusulat, makikita sa haplit at hagod ng mga salita ni Pariente ang pagiging bukas. Bukas ang kaniyang utak, puso, kamalayan, at diwa, handang makinig sa mga tinig at pumasok sa lawas at lawak ng mga dimensiyong mula sa iba’t ibang daluyan. Sinimulan niya ang mga salaysay sa alay ng regla, sa kaniyang menarki, na ayon sa kaniya’y “dapat hayaan dumaloy gaya ng pagkamalikhain.” Isasama niya tayo sa mga daloy na iyan, mga Lola Ging na kaniyang kukuwentuhan. Magiging saksi tayo sa iskempot sa bus ng bakla, babae, at hasler; sa pinaghalo at pinagbalahong buhay sa Barangay Alitaptap; sa kakaibang misa sa Quiapo; at sa trahedya ng isang room for rent. Dadaan tayo sa madilim na espasyo ng paghingi ng hustisya laban sa isang lalaking mapandahas, sa multong tumatagos sa dingding, at sa iba pang mapagsamantalang anino. Kasabay nito’y ipalalasap niya sa atin ang pait ng isang bote ng beer ng isang buhay na hindi rom-com, habang ihinihingang “hindi lahat ng binabalikan ay nababalikan kung paano ito iniwan.” Tatagos sa atin ang sakit ng breakup sex sa “malabong linya sa pagitan ng libog, lungkot, awa. Awa sa sarili.” Ngunit hindi doon magtatapos ang lahat, dahil sa huli’y isasama niya tayo sa paglalakbay tungo sa isang malaparaisong lunan, kasabay ng lakbay ng pagkilala sa sarili, at ng pagyakap sa pag-asa ng isang bagong pag-ibig. Hindi lingid kay Pariente na sa kabila ng mga natawid at napunang guwang ng maraming babaeng manunulat na nauna sa kaniya, nananatiling nakagapos ang kamalayan ng marami, nananatiling saklot ng male gaze ang katinuan ng ilan. Sa pagbibigay ng mukha sa danas ng kababaihang milenyal sa kasalukuyang mundo, hinaharap niya nang may pagbalikwas ang realidad na iyan, bilang kaniyang menarki, na siya ring menarki natin bilang mambabasa.
Rosa May M. Bayuga, premyadong kuwentista at nobelista
“Ang koleksiyon ng kuwentong Menarki ay katas din ng mga naunang menarki mula sa mga manunulat na gaya nina Genoveva Edroza-Matute, Rosario de Guzman-Lingat, Fanny Garcia, Lualhati Bautista, Mayette Bayuga. Naratibo ang estratehiya, at naratibo rin ang paraan ng pamumuhay. Lampas pa sa panulat para sa imortalidad, ang mga akdang naririto’y nagpapatotoo, naggigiit, at kasangkot sa panahong sinisikap na magkalandas. Panahong dinaranas, panahong may saysay.” Mula sa Introduksiyon ni Luna Sicat Cleto, propesor at premyadong manunulat
Author: Abby Pariente
ISBN/ISSN: 9786210900590
Category: Literary, Short stories
Copyright: 2024
Pages: 164pp
Dimensions: 6 x 0.5 x 9 in.
Type: PB/SP

  • Free US domestic shipping for orders $150+
  • Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
  • Author and Publisher: , UP Press 2024
  • Condition and Binding: New / Softcover
  • Language: Filipino

Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.

View full details

FAQs

What is your shipping policy?

In-stock orders are shipped within 48 hours. You will receive a tracking number via email once your order is on its way.

If the book you ordered is on back order, we will let you know when to expect its delivery. You can read our shipping policy here.

What is your return policy?

If you are not satisfied with your purchase, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.

  • Sale items and gift cards are final sale.
  • We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur. 
  • If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.

You can read our full return policy here.

Can you help me find books not offered in your shop?

We offer a free book search service. Give us the details of the book (title, author, publisher, year) and we will look for it for you. If we find it, we will give you a quote so you can decide whether to move forward or not. You will not be obliged to make the purchase.

Do you ship to my country?

Yes, we ship globally. If you do not see your country as an option at checkout, please let us know.

Customer Reviews

Be the first to write a review
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)