La última corrida (Ang Huling Korida) - Spanish-Filipino Version
La última corrida (Ang Huling Korida) - Spanish-Filipino Version
SKU:PB-10-41139
Couldn't load pickup availability
Low stock: 1 left
La última corrida (Ang Huling Korida)
Spanish-Filipino version
Tao laban sa hayop. Mga babaeng nagsasayaw na may kastanyetas. Isang mapanganib na pag-indayog na bibighani at magbibigay-takot sa buong liwasan. Dumating sina Celipe at Relojerín sa Iloilo upang patumbahin ang mga toro gamit ang kanilang espada, ngunit ngayon ay may masidhi na ring hangarin na bihagin ang mga puso nina Manolita at Lilia.
Yayanigin ng dalawang torerong mula sa Maynila ang buong liwasan, at matatagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang pambihirang kalagayan, sa pagitan ng pagkahumaling, pag-ibig, at panibugho. Kung ang kanilang kapalaran ay wala na sa kanilang kamay, bagkus ay nakasalalay sa malamig na simoy ng dagat, pitik ng kastanyetas, at talas ng sungay ng dambuhalang toro, pag-ibig ba ang sa kanila ay magliligtas o siyang maghahatid ng kamatayan?
Kinulayan at muling binigyang-buhay mula sa personal na koleksyon ng premyadong manunulat na si Guillermo Gómez Rivera, guhit ni Ramón Fernández Pasión, inihahandog ng Vibal Foundation, Inc. ang isang kuwentong mula sa tila limot nang pahina ng kasaysayan—ang panahong ang pakikipaglaban sa isang toro ay kasing mapanganib ng poot ng isang babae.
"Madalas ay hindi makaugnay ang mga kabataan satuwing pinag-uusapan ang mga kultural na pamanang kolonyalismong Espanyol, dahil nakatali lámang ang kanilang kaalaman sa Kristiyanismo at sa pang-aapi. Sa akdang ito, dadalhin sila ng mga salita at imahensa isang kawili-wiling paglalakbay, at hahangaan nila at pahahalagahan ang isang bahagi ng kasaysayan nanakamamanghang matuklasan: ang mga sayaw mula sa Andalusia at ang labanan ng mga matador at toro na lalong nagpapatingkad sa nakaraan ng mga Filipino."
-Prof. Michael Charleston “Xiao” Chua
Public Historian
Tungkol sa Manunulat
Si Guillermo Gómez Rivera ay ipinanganak sa Dingle, Iloilo, sa timog-silangang bahagi ng Panay. Siya ay isang manunulat sa wikang Filipino at Espanyol. Siya rin ay isang historyador, guro, at iskolar ng wika na mayroong adbokasiyang protektahan ang kulturang Espanyol bilang ito ay isang mahalagang elemento sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Tumatak si Guillermo bilang isang matagumpay na manunulat na nagpakita ng pagtatagpo ng panitikan, musika, at sayaw. Siya ay tinatanaw bilang isa sa mga pinakakilalang manunulat sa kasalukuyang panahon ng mga Pilipinong nagsusulat sa wikang Espanyol.
Nagtamo siya ng PhD sa Filipino Spanish literature, at nagtapos ng mga programang Spanish, economics, history, at management. Si Guillermo ay nagsilbi ring academic correspondent ng Royal Spanish Language Academy bilang pinakabatikang miyembro ng Academia Filipina de la Real Academia Española de la Lengua. Buhat sa malawak niyang pag-aaral sa mga wika ng Pilipinas, siya ay naging
- Free US domestic shipping for orders $150+
- Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
- Author and Publisher: , Vibal Publishing
- Condition and Binding: New /
- Language: Filipino
Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.
Share

FAQs
What is your shipping policy?
In-stock orders are shipped within 48 hours. You will receive a tracking number via email once your order is on its way.
If the book you ordered is on back order, we will let you know when to expect its delivery. You can read our shipping policy here.
What is your return policy?
If you are not satisfied with your purchase, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.
- Sale items and gift cards are final sale.
- We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur.
- If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.
You can read our full return policy here.
Can you help me find books not offered in your shop?
We offer a free book search service. Give us the details of the book (title, author, publisher, year) and we will look for it for you. If we find it, we will give you a quote so you can decide whether to move forward or not. You will not be obliged to make the purchase.
Do you ship to my country?
Yes, we ship globally. If you do not see your country as an option at checkout, please let us know.