Kondenado by Paul Alcoseba Castillo
In stock
Marami tayong hindi kayang sabihin o ilarawan tulad ng sakit at kalungkutan noong panahon ng lockdown. Pero sa Kondenado ni Castillo, naitatawid ng mga tula niya ang napakalawak na distansiyang naranasan ng lipunan para maintindihan ang paghihirap ng marami sa atin.
Geloy Concepcion
Potograpo at awtor ng Things You Wanted to Say but Never Did
Sa koleksiyong Kondenado ni Paul Alcoseba Castillo magkatuwang ang mga litrato at teksto sa pagsasalarawan ng mga danas at damdamin ng pagkakapiit sa gitna ng tila walang hanggang kuwarantena, kung paano tayo naikuwadro ng mga panlipunang puwersa sa mga kongkretong dingding ng lungsod na hindi matinag-tinag. Sa pagsasalitan ng mga larawan at tula, naipadanas ng potograpong makata ang ritmo ng araw-araw na pagdungaw-na-walang-salita sa mundo sa labas ng bintana upang makaharap ang mga katulad na bintana na blangkong nakatanaw rin palabas at ang pagsisikap na magpakahulugan sa loob ng limitadong espasyong kinalalagyan. Tila kaylayo ng pagtanaw ng ikatlong panauhan ng mga tula ngunit kaylapit din dahil sa pagkilala, sa kabila ng agwat, ng mga kapwa/kasama sa kolektibong danas. May pagpapakumbaba ang kabatirang inihahatid ng mga tula sa mambabasa na tila sapat lang upang may maitawid na kahulugan o ideya ng pag-asa, gaano man kaliit, sa kasunod na taludtod o araw. Ano nga ba ang sining kundi ang paglikha ng mga silid sa loob ng silid, ng mga lagusan sa loob ng wika ng diwang nagnanais lagpasan at baguhin ang mga itinakdang kuwadro. Ito para sa akin ang nagawa ng mga tula ni Castillo, lalo na ang sunurang “Para Nang sa Langit,” isang atubiling paghakbang sa hatinggabi ng aklat na yumanig sa matatalas na pader ng ating pagkakawalay sa isa’t isa. Allan Popa
Awtor ng Ang Liwanag Bago Dumilim
Details
Details
Author: Paul Alcoseba Castillo
Publisher: UST Publishing House
Year: 2023
Condition: New
Cover:
Language: Filipino
ISBN: 9789715069298
Shipping and Return Policy
Shipping and Return Policy
We ship globally from two locations: New Jersey and Manila.
For books shipping from New Jersey, we offer USPS Media Mail, USPS Ground Advantage, and USPS Priority Mail. For non US addresses, we ship via DHL.
For books shipping from Manila to the US, you can choose between two options.
Express: Your book ships directly to you via DHL. This is the fastest option.
No Rush: Your book is included in our regular shipment from Manila to NJ. Once it arrives in NJ, we ship it to you right away via USPS. This option takes longer but helps keep shipping costs lower.
For non-US addresses, we ship via the Express option.
If you don't see your country as a shipping destination, contact us so we can help you out.
You can read our full shipping policy here.
Return Policy
Return Policy
We want you to be happy with your purchase. If you are not satisfied, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.
- Sale items and gift cards are final sale.
- We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur.
- If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.
You can read our full return policy here.
Your security is our top priority.
We use industry-standard SSL (Secure Sockets Layer) encryption to ensure your information is fully protected.
We do not store credit card details nor have access to your payment information.

