Kalapating Leon: Isang Kuwento ng mga Diwata Para sa Ating Panahon: Isang Nobela ni Eileen R. Tabios
Kalapating Leon: Isang Kuwento ng mga Diwata Para sa Ating Panahon: Isang Nobela ni Eileen R. Tabios
SKU:PB-10-41061
Couldn't load pickup availability
Low stock: 1 left
Isinalin ni Danton Remoto
Tungkol sa aklat:
Ang KALAPATINGLEON: Isang Kuwento ng mga Diwata Para sa Ating Panahon ang unang nobela ng premyadong makata, manunulat, artist at patnugot na si Eileen R. Tabios. Ito’y isang nobelang suson-suson at puno ng imbensiyon. Dito nalagpasan ng makatang si Elena Theeland ang mga pagdurusa ng nakaraan para bumuo ng isang pamilyang magpapatalsik sa diktaturya ng isang piksiyonal na bansa ng Pacifica. Tinulungan siya ni Ernst Blazer na anak ng isang espiya ng CIA na kasama sa pagpatay sa rebeldeng tatay ni Elena. Habang paalis ng Pacifica ang kanilang pamilya para makatakas sa dinastiyang rehimen ng diktador, nadiskubre ni Elena na kasapi pala siya ng isang katutubong tribo na akala nang marami’y nabura na sa pamamagitan ng malawakang pagpatay. Ipinakita rito na ang buhay niya’y sumasagisag sa pagsilang ng makabagong “Baybay” na sumusunod sa “Babaylan,” isang katutubo at espiritwal na lider sa bansa.
Sa pamamagitan ng lirikal at simpleng mga kuwento at sa pagsira sa konsepto ng oras bilang isang linya, ipinakikita ng KALAPATINGLEON ang mga epekto ng kolonyalismo at pananakop habang naglalaman ng mga pagmumuni-muni sa pagtula at poetika, sining at estetika, kasaysayan, pagiging ulila, at mga katutubong paniniwala’t pagiging mamamayan ng mga tribo. May pahapyaw ding tingin sa digmaan ng mga espiya, rebelyon sa mundo ng internet, sikolohiyang dominante at pailalim, at ang masamang epekto ng mga paligsahan sa kagandahan. Ang pahingalay sa nobela’y galing sa pagmamahal ni Elena sa Wikipedia at sa pinakasimple pero pinakamasarap na resipi ng adobo sa buong mundo. Sa bandang huli, ang KALAPATINGLEON ay tungkol sa hindi-maiiwasang kalikasan ng sangkatauhan: ang koneksiyong nagbubura ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap para sa iisang Kasalukuyan.
- Free US domestic shipping for orders $150+
- Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
- Author and Publisher: Eileen R. Tabios, UST Publishing House 2024
- Condition and Binding: New /
- Language: Filipino
Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.
Share
