Skip to product information
1 of 1

Indi Natun Kinahanglan kang Duro nga Tinaga sa Atun Tunga Mga Tula sa Kinaray-a & Filipino PWS 2021

Indi Natun Kinahanglan kang Duro nga Tinaga sa Atun Tunga Mga Tula sa Kinaray-a & Filipino PWS 2021

SKU:PB-10-40985

Regular price $55
Regular price Sale price $55
Sale Sold out
Shipping calculated at checkout.

Low stock: 1 left

Hindi natin kailangan / ng maraming salita / sa ating pagitan / kundi hipo. Haplos, bungad ng tula ni Gen Asenjo, at sa panahon ng new normal, sumisidhi ang pagkamingaw natin sa kapangyarihan ng paghawak, ng pagsaling, sa mga sandali ng pagdampi ng balat sa balat ng isa’t isa. At hindi lamang hagod, hipo, at haplos ang ipinapaalala sa atin ng mga tula sa kalipunang ito kundi pati ang amoy, ang lasa, ang iba pang pandama, pati ang pusong nakadadama at dumarama. Sa Kinaray-a at Filipino, ang mga salita sa kamay ni Gen Asenjo ay natutong magparamdam at makiramdam katulad ng isang basong tubig sa hapag na gumagalaw sa mumunting yanig ng daigdig. Sa ganito niya itinipon ang ating alaala, pag-aalala, pagkabahala, mumunting tagumpay at ligaya, saka isinilid sa mga taludtod, sa mga pagitan. Sa ganito niya inilalapit ang papalawak nating agwat sa isa’t isa. Sa ganito niya tayo kinakausap, puso sa puso, salita sa salita.
—Enrique S. Villasis

Ito ang pangatlong koleksiyon ng mga tula ni Genevieve L. Asenjo, pagkatapos ng Pula ang Kulay ng Text Message (University of San Agustin Publishing House, 2006) at Sa Gihapon, Palangga, ang Uran /Always, Beloved, the Rain (Ateneo de Naga University Press, 2014). Minamarkahan nito ang kanyang ikadalawampu’t limang taon ng pagsusulat ng tula sa Kinaray-a at Filipino simula noong 1995—noong isa siyang senior high school na partisipante ng isang writing workshop ng Paranubliun-Antique, isang nongovernment organization—at dito niya nakilala si Dr. Leoncio P. Deriada ng University of the Philippines in the Visayas–Miag-ao, ang nagbukas sa kanya ng mga oportunidad.

Oralidad at mga domestikong imahen, amoy, lasa, tunog ang mga tula ni Asenjo. Personal at communal, narito ang sensory, ang sensual, ang spiritual, sa partikular na tono na umuugnay sa atin sa iba pang mga wika sa bansa. Liriko ng mga katutubong pampanitikang anyo ng kanyang bayan sa Antique, at ng mga kultura ng mga rehiyon sa bansa at mundo, sa mga modernong lapat at lapit. Kultural na kasaysayan ng isang lugar, na siya ring kasalukuyan, at kinabukasan na inaasahang nariyan pa rin. Naisulat ang mga tula rito sa loob ng 2014–2020: panahon ng mas intuitive na pagsusulat, higit na pagpapalaya mula sa mga kumbensiyon, at lalong pakikinig at pagdamdam—ang pagtutula bilang pagtatapat. Katotohanan. Minsan, una sa Kinaray-a. Minsan, una sa Filipino. Palagi, ekspansiyon, at higit na kalinawan, ang pagsasalin.

Author: Genevieve L. Asenjo
ISBN/ISSN: 978971542951-1
Category: Literary; Poetry
Copyright: 2021
Pages: 122pp
Size: 6x9
Type: PB/SP

  • Free US domestic shipping for orders $150+
  • Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
  • Author and Publisher: , UP Press 2021
  • Condition and Binding: New /
  • Language: Filipino

Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.

View full details

FAQs

What is your shipping policy?

In-stock orders are shipped within 48 hours. You will receive a tracking number via email once your order is on its way.

If the book you ordered is on back order, we will let you know when to expect its delivery. You can read our shipping policy here.

What is your return policy?

If you are not satisfied with your purchase, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.

  • Sale items and gift cards are final sale.
  • We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur. 
  • If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.

You can read our full return policy here.

Can you help me find books not offered in your shop?

We offer a free book search service. Give us the details of the book (title, author, publisher, year) and we will look for it for you. If we find it, we will give you a quote so you can decide whether to move forward or not. You will not be obliged to make the purchase.

Do you ship to my country?

Yes, we ship globally. If you do not see your country as an option at checkout, please let us know.

Customer Reviews

Be the first to write a review
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)