Ilang Sandali Makalipas Ang Huling Araw Ng Mundo Mga Tula
Ilang Sandali Makalipas Ang Huling Araw Ng Mundo Mga Tula
SKU:PB-10-40958
Couldn't load pickup availability
Low stock: 1 left
Hindi lungkot kundi pag-asa ang hatid ng mga tula ni Reagan Romero Maiquez sa koleksiyon. Hindi lungkot kundi ang pagnanais na mabuhay o magpatuloy ng buhay, kahit na ang araw-araw ay tila ginagawang katapusan ng mundo para sa mga pangkaraniwan. Higit sa lahat, isinisiwalat ng mga tula rito kung bakit patuloy na humihinga ang mga pangkaraniwan. Kung bakit patuloy na bumabangon mula sa pananadlak ng malupit na sistema. Kung bakit patuloy na kumakapit kahit sa ilang saglit—mga nakaw, inangkin, binawing sandali—bago at matapos ang iba’t ibang bersiyon ng pagkagunaw ng mundo.
Sa ganitong poetika ng pag-usbong ng hindi pangkaraniwang mamamayan, makikita ang hindi pangkaraniwang makata—ang mga hindi pangkaraniwang tula na dumarama at umiibig sa pangkaraniwan, umuunawa sa personal at politikal, at nagdudulot ng pag-asa at pagmamahal sa gitna ng mga delubyo, peligro, at iba pang uri ng katapusan ng mundo.
Ganito ang hindi pangkaraniwan: Hindi lungkot kundi pag-asa. Hindi lungkot kundi pag-ibig. Hindi katapusan kundi simula. Hindi pagkabalaho kundi pagsalunga. Ang mga ito ang ubod at buod ng mga tulang mababasa natin sa siklo ng mga salitang tinipon at binuo mula sa mga tunggalian ng mundo. Narito ang mga hindi pangkaraniwang tula. Ng isang hindi pangkaraniwang makata. Para sa mga pangkaraniwan. At hindi pangkaraniwan. Para walang maiiwan—walang makalilimot—kung bakit ang tao’y lagi’t laging dumudulo sa perenyal na ilang sandali makalipas ang paulit-ulit na huling araw ng mundo.
DR. MICHAEL FRANCIS C. ANDRADA
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas
Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Author: Reagan Romero Maiquez
ISBN/ISSN: 978971542896-5
Category: Literary; Poetry
Copyright: 2019
Pages: 82pp
Size: 6x9
Type: PB/SP
- Free US domestic shipping for orders $150+
- Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
- Author and Publisher: , University of the Philippines (UP) Press 2019
- Condition and Binding: New /
- Language: Filipino
Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.
Share
