Hubad: Ester Tapia Cebuano to English (The Philippine Translators Series 2021)
Hubad: Ester Tapia Cebuano to English (The Philippine Translators Series 2021)
SKU:PB-10-40924
Couldn't load pickup availability
Low stock: 1 left
Alam ng makatang si Ms. Ester Tapia na ang koleksiyon ng tula ay materyal. Bayan, bata, tahanan, sarili. Puno, pakpak ng ibon, anino. Panaginip, ihi, hagulhol ng habag, pag-aamot ng tulong, isang ngiti. Napupulbos at pupulbusin din ng panahon. Naisasatitik, ngunit maaaring makalimutan o hindi marinig. Sumasandig siya sa pananalig na ito’y mahalagang ambag sa mga tinig ng ating kapuluan, sa tinig ng punong tinutukoy natin bilang panitikan. Kaya sinusuong ng pagsasalin ni Merlie Alunan ang mga salita ni Ester Tapia, upang matikman at malasap natin ang tamis ng katas ng karanasang nabuo sa talas ng pandama at lalim ng pagmamalay. Kalaunan, mapapatunayan ng koleksiyon ang birtud ng pagiging hubad, ngunit balot din sa talinghaga. Para sa akin, ang pagtukoy sa mga bagay at pagpapangalan mismo ng karanasan ay mahalagang punyal ng makata. Para sa akin, ang tapang ng tula’y hindi lang sa pagsambit ng pagtutol o daing, dahil ang mga ito’y maaari ding maging mekanikal at tinatahi, kinakabig ng may-hawak na Kamay. Sa paglalathala ng koleksiyon na ito, napapatunayang konsentriko ang mga singsing ng edad ng puno kapag nag-abala tayong ugatin iyon. Gaya ng pagsasaysay ng mga makata sa iba pang wika sa arkipelago, nakaguguhit iyon ng balangkas, at nagsasabi ng direksiyon kung paano uunawain, at bago pa natin mamalayan, nagmimistulang susi na pala sa ating paanan, upang buksan ang espasyo at hangin na pinupulso. Dahil ang tula, sa anumang wika, ay umuuwi rin sa konsepto ng balak: mahiwaga dahil hindi tinuturol nang hayagan, matalas at humahaplit sa diwa dahil umaandar ang talinghaga sa wikang kinilala, nakilala, at patuloy na kikilalanin, sa walang humpay na pagsisino ng tao at pagbuburador ng pagkatao.
— Luna Sicat-Cleto, manunulat, Unibersidad ng Pilipinas
I began reading this with some apprehension—will the gut-level, skin-tight language of Ester’s poetry, a Binisaya I grew up with, translate into the language of Merlie’s heartbreakingly beautiful poetry in English? O but I could not put the volume down. This was a delight both pure and profound. The aching familiarity, the jolts of recognition, the captivation at the irreducibility of meaning in words like bus-ok or kiwaw nga pahiyom or tinapak-tapakang sinina. And that dance, that magical dance of a poem in between two languages—when English just needs to say Simbako lang! and you let the spectre of a bisayang-daku at a train station in Hamburg, frolic at the “turnpike of memory and forgetting.”
— MARIA CRISTINA JUAN, writer and academic at SOAS, University of London
Ester Tapia’s book of poetry Hubad is a wonderful reminder of the richness and complexity of the Cebuano language. Sometimes her poems are playful; sometimes they are serious; often they conjure mysterious images. In all cases, her poems weave images, emotion, and music together; and they are strung in a flawless and satisfying way. Merlie Alunan’s English translation of Tapia’s Cebuano poetry gifts non-Cebuano readers the privilege of peering and experiencing this poet’s Cebuano mind and sensibilities.
— Cecilia manguerra Brainard, novelist, When the Rainbow Goddess Wept, Magdalena, and The Newspaper Widow
Author: Merlie M. Alunan
ISBN/ISSN: 978621090010-1
Category: Literature; Poetry
Copyright: 2023
Pages: 156pp
Size: 6x9
Type: PB/SP
- Free US domestic shipping for orders $150+
- Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
- Author and Publisher: , University of the Philippines (UP) Press 2023
- Condition and Binding: New / Softcover
- Language: Filipino
Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.
Share
