Skip to product information
1 of 1

Hiwatig: Pagsipat sa mga Tekstong Poetiko at Popular by Romulo P. Baquiran, Jr.

Hiwatig: Pagsipat sa mga Tekstong Poetiko at Popular by Romulo P. Baquiran, Jr.

SKU:PB-10-40907

Regular price $50
Regular price Sale price $50
Sale Sold out
Shipping calculated at checkout.

Low stock: 1 left

Nasa Hiwatig ang masinsinang pagbasa ng mga tula at tekstong popular na naiakda sa nakaraang dalawang dekada. Bukod-bukod man sa anyo, napagkawing ng awtor ang pormal at historikong interpretasyon sa mga kilalang teksto sa larang ng literatura at kulturang popular.

Walang ibang manunulat sa kanyang henerasyon ang may pinakamaraming anyo ng panitikan na pinaglanguyan kundi si Romulo Baquiran, Jr.—tula, personal na sanaysay, at ngayon, kritikal na sanaysay. Matalas ang mga mata, alam kung saan bahagi ng lupang texto itutuon ang teinga, marunong manilo ng mga pakpak ng balita, at hasa ang punyal na ipinantatarak sa batong puso ng kasalukuyang mananaliksik at mamamayan.
Mahalagang kontribusyon ang mga kritikal na sanaysay dahil may pagtataya sa substansasyon ng panitikang pambansa na dinamiko, pasulong at mapagpalaya, at sa kulturang popular na mga panibagong arena ang tinutumbok ng susing pansin—ads ng radyo at print, kabataang pelikula.
At tulad ng mabuting kritiko’t historyador, buhay at binubuhay ni Baquiran ang naunang mga texto para susing mailatag ang predikamento ng kasalukuyan, nang sa gayon ay mas may linaw ang tanglaw sa kolektibong hinaharap.

Rolando B. Tolentino
Dekano, University of the Philippines
College of Mass Communication

Sa Hiwatig: Pagsipat sa mga Tekstong Poetiko at Popular, muling mamamalas ang pangunahing mga katangian ng mga mata ng makatang Romulo P. Baquiran Jr., bagama’t ngayon ay bilang kritiko: masaklaw, matalas, at malalim tumingin. Sa kanyang pagbasa ng mga teksto, mapa-tula, dula, kuwento, nobela, pelikula o patalastas man sa radyo, at sa kanyang panulat na magaang, di-maligoy, at walang maraming jargon ngunit nananatiling sopistikado’t naiiralan ng sukdulang sensibilidad, higit pa niyang naipamamalay sa atin, sa himig na di-mataas bagkus ay mapagbukas at mapang-anyaya, ang timyas ng mga akda tungo sa lalong mabungang pag-unawa at lantay na pagkilala, kung hindi man pagdakila, sa buhay sa panitikan at sa resultang birtud at bisa nito sa ating buhay.

Mesándel Virtusio Arguelles
Makata

  • Free US domestic shipping for orders $150+
  • Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
  • Author and Publisher: Romulo P. Baquiran, Jr., UST Publishing House
  • Condition and Binding: New /
  • Language: Filipino

Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.

View full details