Hantong: Mga Kuwento ni John Jack G. Wigley
In stock
Kung pinatawa niya tayo sa Lait Chronicles, sa aklat na ito ay kukurutin ni John Jack Wigley ang ating mga puso. Nakaugat ang moral na tindig ni Wigley sa malalim na pag-unawa sa mga dilemma ng kaniyang mga tauhan, extension ng mayamang danas na una nating nabasa sa kaniyang mga memoir. Hindi lamang memoirist at humorist si Wigley, ang kaniyang fiksiyon, sa eleganteng Filipino, ay patunay na hindi lamang siya bihasa sa dalawang wika, kabesado pa niya ang lalim at lawak ng ating loob bilang tao.
—Jerry B. Gracio
Sa sinumang magpasiyang buksan ang Hantong at basahin ang koleksiyong ito, kasiya-siyang abentura sa naratibo ang dadanasin niya. Mayaman at sari-sari ang binubuksang mundo at paksa sa mga kuwentong Wigley. Matalas at kapansin-pansin ang kakayahan ng kuwentistang magbuo ng mapapaniwalaang sitwasyong kinasasadlakan ng tauhan. Sa katotohanan, nagpapatuloy ang daloy na kuwentong Wigley sa malinaw na pagkakilala sa mga tauhan. Ang pitik ng pagnanasa at pangarap ng bawat isa ang nagsasanhi ng mga pangyayari sa kanilang buhay. Malalaki man o babae, mamatanda o bata, at lalo na kapag bakla, nahuhugisan ng awtor ang pinakabuod ng kanilang pagkatao. Matiyagang binubuo ang daigdig ng tauhan. Ang espasyo, ang milieu, ang oras, ang sandali at tagpuan, at ang sikolohikong istatus ng tauhan ay hindi mapaghihiwalay kundi sadyang magkasalikop at iisa na ngang maituturing. Bawat detalye ay mahalaga sa piniling paksa at walang maitatapong bahagi. Kaya madaling maiibigan ang estilo ni Wigley. Hindi mabigat ngunit may bigat. Hindi pilit o namimilit ngunit mapaggiit sa nais iparating sa isang may sining na paraan.
Hindi maitatanggi, may bagong tagapag-ambag ngayon—sa katauhan ni John Jack G. Wigley—sa pagpapaunlad ng maikling kuwentong Filipino.
—Mula sa Panimula ni Romulo P. Baquiran, Jr.
Details
Details
Author: John Jack G. Wigley
Publisher: UST Publishing House
Year:
Condition: New
Cover:
Language: Filipino
ISBN:
Shipping and Return Policy
Shipping and Return Policy
We ship globally from two locations: New Jersey and Manila.
For books shipping from New Jersey, we offer USPS Media Mail, USPS Ground Advantage, and USPS Priority Mail. For non US addresses, we ship via DHL.
For books shipping from Manila to the US, you can choose between two options.
Express: Your book ships directly to you via DHL. This is the fastest option.
No Rush: Your book is included in our regular shipment from Manila to NJ. Once it arrives in NJ, we ship it to you right away via USPS. This option takes longer but helps keep shipping costs lower.
For non-US addresses, we ship via the Express option.
If you don't see your country as a shipping destination, contact us so we can help you out.
You can read our full shipping policy here.
Return Policy
Return Policy
We want you to be happy with your purchase. If you are not satisfied, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.
- Sale items and gift cards are final sale.
- We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur.
- If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.
You can read our full return policy here.
Your security is our top priority.
We use industry-standard SSL (Secure Sockets Layer) encryption to ensure your information is fully protected.
We do not store credit card details nor have access to your payment information.

