Skip to product information
1 of 1

Gadaling-noo (The Philippine Writers Series 2021)

Gadaling-noo (The Philippine Writers Series 2021)

SKU:PB-10-40790

Regular price $70
Regular price Sale price $70
Sale Sold out
Shipping calculated at checkout.

Low stock: 1 left

Nakatagpo ko si Vim Nadera sa isang klasrum nang nagsisikap siyang maging propesor sa De La Salle University (1994–1997). Hindi siya ganoong nagkaroon ng impresyon sa akin—isa siyang makata, at mahusay na makata. Karaniwan sa akin noon ang makata, tulad din na karaniwan sa akin ang isang tulad kong kuwentista at nobelista (1960s). Sumunod ko siyang natuklasang performer extraordinaire sa malaking palabas sa isang bulwagan ng Rustan’s sa Mandaluyong. Balot na balot siya, parang isang sphinx ng Ehipto, ngunit tumutula siya (bumibigkas)—natangay ako at mula noon, hindi na siya karaniwan sa akin. Ganito ang sabi ko sa kaniya sa isang aklat:
“Siya pala ang bubuhay ng mga tula na ‘naplakda’ na ‘forever’ sa mga pahina ng mga aklat at magasin. Mangyari, pagkaraang wala na siya sa DLSU-Manila, nakilala siya na ‘bumuhay’ sa tula, na binibigkas uli. Ngunit hindi na binibigkas na tulad nina Jose Corazon de Jesus at Aurelio Angeles, kundi sa ‘estilong rap’ na ikinagulat ni Bienvenido Lumbera na kagagaling lamang noon mula sa Japan na tinirhan niya nang tatlong taon dahil sa isang grant. Nabaguhan ako at naiwan sa aking alaala ang mapangahas na performance ng makata (si Vim nga). Dahil doon, maaaring tawagin ko na siyang ‘Ama ng Performance Poetry sa Filipino.’”
Nagtapos sa UST ng BS at MA sa Clinical Psychology, nagturo siya (sa St. Paul University at University of the Philippines) at nagsulat (nagtamo ng TOYM Awards, Palanca Awards, Talaang Ginto, Gawad Carlos Bulosan, National Book Awards ng Manila Critics Circle, at iba pa); at sa kabila ng kaniyang pagpipinta (nag-eksibit na siya), pag-akting sa teatro, at pagsayaw (miyembro ng dance troupe), hindi na niya iniwan ang kaniyang napag-aralan—isa siyang poetry therapist. Ang up and down ng kaniyang buhay bilang gradwado ng clinical psychology ang maaaring nagtakda ng kaniyang naging propesyon sa kabila ng pagtuturo dahil sa isang trahedya ng buhay-pamilya niya.
Isang makata, sa iba pang mga salita ni Lumbera: “Postmodernista siya dahil tinalikdan niya ang organic unity … (ang) di-mababaling batas ng modernista. Pabago-bago ang boses na ipinaririnig ng kaniyang (mga) tula—boses ng akademya (nagpapahiwatig ng pagka-lumpen sa mapanuyang tono), boses ng bata (mapaglaro ang mga salita), boses ng matanda (humahalungkat sa gunita ng mga sinaunang epiko at alamat).”
Pagkaraang masakop niya ang pagiging nobelista, makata, at aktor sa totoong “puting tabing,” isang malaking epiko ang kaniyang sinaklaw, ang dinaglit niya sa pag-akda. EFREN R. ABUEG
Author: Vim Nadera
ISBN/ISSN: 978971542954-2
Category: Literary; Poetry
Copyright: 2021
Pages: 424pp
Size: 6x9
Type: PB/SP

  • Free US domestic shipping for orders $150+
  • Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
  • Author and Publisher: , University of the Philippines (UP) Press 2021
  • Condition and Binding: New /
  • Language: Filipino

Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.

View full details