Skip to product information
1 of 1

Dili't Dilim & Mga Lagot na Liwanag by Michael M. Coroza

Dili't Dilim & Mga Lagot na Liwanag by Michael M. Coroza

SKU:PB-10-40597

Regular price $45
Regular price Sale price $45
Sale Sold out
Shipping calculated at checkout.

Low stock: 1 left

Niyayanig ng mga tula ni Michael M. Coroza ang mga arketipo upang manggilalas ang mga pansamantala sa karunungan ng mga di-nagmamaliw—nang may aliw at rubdob, na mas mapanghamong gawin, dahil mapanganib mag-apuhap ng kasiyahan “samantalang táyo ay walang / Katinag-tinag at nakatingin sa malayo.” Panahon ang totoong manunuklas at maestro ng mga taludtod sa unang dalawang aklat na ito ni Coroza na naghahangad ng mga anyo ng katarungan sa mahaba’t nagpapatuloy nating kasaysayan ng dilim at mga pagkawala, may lagim ng mga lagot na alinlangan at mortal na panglaw sa mga hiwaga’t tiwala sa buhay.

Wala akong ibang kilalang makata sa kasalukuyan na nagagawang matagumpay na umawit mula sa liblib ng tradisyon samantalang naghaharaya sa mga alon ng inobasyon maliban kay Coroza. Para sa tulad kong unang nabása ang mga ito sa aking kabataan at binabalikan “ngayong ako’y ikaw na hindi ikaw,” para akong dumadalaw sa tanging kaibigan na káyang magpagunita sa akin ng mga totoong mahalaga: ang magkakasabay na bigkis at pagpapalaya ng pamilya, alaala, at pagsinta. Mapálad ang bagong henerasyon ng mga mambabasá na masusumpungan ang mga tulang ito sa unang pagkakataon na parang sandali ng paghuhunos ng kamusmusan sa matalim na pagkaunawang “hindi lámang / hawakán ng kamay ang pag-ibig.”

Edgar Calabia Samar

  • Free US domestic shipping for orders $150+
  • Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
  • Author and Publisher: Michael M. Coroza, UST Publishing House 2023
  • Condition and Binding: New /
  • Language: Filipino

Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.

View full details