Skip to product information
1 of 1

Bukal sa Loob, Loob ng Bukal

Bukal sa Loob, Loob ng Bukal

SKU:PB-10-40402

Regular price $65
Regular price Sale price $65
Sale Sold out
Shipping calculated at checkout.

Low stock: 1 left

Sa pagpili sa apat na tampok na Bikolnon na makata, makabuluhang muling banggitin ang isang katutubong awit sa Bikol upang ilarawan ang direksiyon ng kontemporaneong panulaan at pagsasalin na katulad nito sa konteksto ng panitikang Filipino. Sa “Salampating Guminaro” (Ang Ibong Nahulog ang Loob), inilarawan kung paano ang isang patak ng luha’y naging ilog, naging sapa, naging isang napakalaking lawa. Taliwas marahil ito sa karaniwang akala natin na ang ilog ay laging nagtatapos sa dagat. Sa awit, ibang anyo at direksiyon ang naging kapalaran at daang tinahak ng luha na siyang magiging paliwanag kung ano ang nais ipakita ng koleksiyong ito—ang maging bukás sa mga lagusan, laberinto, lalawigan, at loobang maaaring siyang pinakatunguhin ng mga saling ito ng makatang si Kristian Sendon Cordero. Maaaring ganito rin ang payo sa mga maglalakas-loob na basahin ang antolohiyang ito, kaya’t magpaubaya lámang sa agos hanggang sa marating ang bukal na bukal-sa-loob ang pagkakaloob ng mismong loob ng bukal na itong siyang panulaan nina Juan Rafael Belgica Jr., Raffi Banzuela, Godehardo B. Calleja, at Luis Cabalquinto.

Author: Kristian Sendon Cordero
ISBN/ISSN: 978971542959-7
Category: Literary; Poetry
Copyright: 2021
Pages: 290pp
Size: 6x9
Type: PB/SP

  • Free US domestic shipping for orders $150+
  • Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
  • Author and Publisher: , University of the Philippines (UP) Press 2021
  • Condition and Binding: New /
  • Language: Filipino

Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.

View full details