Boarding House by Jaileen F. Jimeno
Boarding House by Jaileen F. Jimeno
SKU:PB-10-40375
Couldn't load pickup availability
Low stock: 1 left
BACK COVER TEXT:
Ito ay naglalaman ng mga eksenang nagaganap sa mga paupahang bedspace, kuwarto, studio, apartment, at condo. Ang bawat taong sentro ng kuwento ay halaw sa pinagsama-samang karakter na nakilala at nakasama ng sumulat. Narito rin ang ilang personal na kuwento ng may-akda bilang isang batang nakitira at nanilbihan sa mahabang listahan ng mga kamag-anak at kakilala.
Ang Boarding House ni Jaileen Jimeno ay hindi temporal na estasyon ng mga panandaliang-pagtira, tulog, kain, bisyo, at libog. Lunan itong nanahan sa kanyang pagkatao na may tagal nang pananatili at habambuhay na pag-iral sa kanyang kalooban at mga pagpapakahulugan sa buhay. Materyal ang koleksiyon ng mga personal na sanaysay na ito ni Jimeno para ituon ang ating mga pansin sa dalawang lakas ng naturang genre: Ang head-on collision at confrontation sa mga pagkakasala, kahinaan, kapalpakan, at pagkasubsob sa buhay na hindi maiiwasang ikumpisal ng gunita subalit mas nagpabangon sa manunulat—dahil hindi naman siya nagwala, nawala, at napariwara bilang tao; at ang pagbuo sa naratibo ng sariling buhay na hindi hiwalay sa mga buhay ng mga taong nakasama sa bawat personal na karanasang itinatanghal. Hindi madaldal ang naratibo ni Jimeno pero marami itong sinasabi at marami pa itong nais sabihin. Tiyak na matapos nating mabasa ang buong koleksiyon, itong “marami pang nais sabihin” ay iaatang natin sa ating mga sarili bilang pag-angkin natin sa bawat kuwento, sa bawat karanasan, sa lahat ng makikilala nating pagpapakahulugan.
- Ferdinand Pisigan Jarin
Para akong bagong boarder. Isa-isang ipinakikilala ni JJ Jimeno ang makakasama ko sa temporal na tagpuan at panahunan. Karikatura ng buhay. Pumipintig. Nanunumbat. Nagmamahal. Ilang David, Mama Rosa, Chloe, Matty pa ba ang mayroon tayo? Narito sa kalipunan ng narasyon ni JJ Jimeno ang nananampal na imbentaryo at katalogo ng buhay-buhay. - Joselito D. De Los Reyes
Ang birtud ng koleksiyong ito na siya ring taglay ng lahat ng mga kuwentong masarap basahin at balikan ay ang kakayahang gawing pambihira ang karaniwan at pangkaraniwan ang pambihira. Sa pagsasalaysay ng salimbayan ng mga buhay na nagsasalubong at nagsasalabid, tila sinasabi sa atin ni JJ Jimeno na tayong lahat, tulad niya, ay isang “boarder forever.” - Chuckberry J. Pascual
- Free US domestic shipping for orders $150+
- Ships from New Jersey or Manila, whichever location has the book in stock and is closer to you. See shipping options at checkout.
Author: Jaileen F. Jimeno
Publisher: UST Publishing House
Year: 2023
Condition: New
Cover:
Language: Filipino
ISBN:
Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.
Shipping: We ship globally. Message us if you do not see your country at checkout.
Share

FAQs
What is your shipping policy?
In-stock orders are shipped within 48 hours. You will receive a tracking number via email once your order is on its way.
If the book you ordered is on back order, we will let you know when to expect its delivery. You can read our shipping policy here.
What is your return policy?
If you are not satisfied with your purchase, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.
- Sale items and gift cards are final sale.
- We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur.
- If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.
You can read our full return policy here.
Can you help me find books not offered in your shop?
We offer a free book search service. Give us the details of the book (title, author, publisher, year) and we will look for it for you. If we find it, we will give you a quote so you can decide whether to move forward or not. You will not be obliged to make the purchase.
Do you ship to my country?
Yes, we ship globally. If you do not see your country as an option at checkout, please let us know.