Bayan-bayanan: Antolohiya ng mga Katha sa Lunan ng Gunita
Bayan-bayanan: Antolohiya ng mga Katha sa Lunan ng Gunita
SKU:PB-10-40330
Couldn't load pickup availability
Low stock: 1 left
Mga Editor: Rolando B. Tolentino and Rommel B. Rodriguez
Tungkol sa aklat:
Ang bayan ay tagpuan at tauhan sa loob at musa sa labas ng panitikang Filipino. Bayan ang sentro, tagaloob, modernong pagkatao, modernistang idea, at kagawian. Sa panitikan, ito'y isang partikular na lugar na kinalakihang ng tagapagsalaysay, o imahen ng isang mapagkandiling inang bayan o ang kilusang bayan na nagsusulong ng makatuwirang pagbabago. Mula sa ganitong mayaman na tradisyon masasabing humango sa iba't ibang konsepto at kalakaran ng paghiraya ng/sa bayan ang mga manunulat sa antolohiyang ito. Gamit ang kapangyarihan ng gunita, nakalikha sila ng kani-kaniyang bayan sa iba't ibang panahon, anyo, larawan at pag-iral.
Pero mapaglaro ang bayan-bayanan dahil may pagkukunwari sa pakiwari ng pagkaugat at pagkasanga na tila napilitan lang akuhin at pamahayan ang tinaguriang bayan-bayanan. Pinapahiwatig nito ang pabalat, ang pagiging artifisyal at marahil sapilitang pasisityo at paglulugar ng sarili at kapwa. Dahil nga gunita, maaari ring guni-guni ang itinatalagang bayan at bayan-bayanan at kung gayon, may kapangyarihang mag hayag mga kontraryo at subersibong pag-ako sa bayan, pag-ako ng bayansa sarolo, pagiging kolektibo at makabayan.
Narito ang mga kuwentistang Filipino na muling nagpapaalala sa atin na ang bayan natin ay isang mabisang musa at substansya na hindi nawawala sa ating gunita at kuwento. Dito nakalunan ang ating kolektibong alaala at sama-samang paglalakbay tungo sa isang bayan na muli't muli mang sinakop, mas umiigting naman ang patuloy na pakikipagtunggali, at muli't muling inilalayag para lumaya.
- Free US domestic shipping for orders $150+
- Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
- Author and Publisher: , UST Publishing House 2022
- Condition and Binding: New /
- Language: Filipino
Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.
Share
