Skip to product information
1 of 1

Bata, Hiwaga, Bansa Pamana ni Rene O. Villanueva sa Panitikang Pambata

Bata, Hiwaga, Bansa Pamana ni Rene O. Villanueva sa Panitikang Pambata

SKU:PB-10-40325

Regular price $50
Regular price Sale price $50
Sale Sold out
Shipping calculated at checkout.

Low stock: 1 left

“Isa kang magandang regalo sa mga bata.” Ibinalik ko kay Rene O. Villanueva (ROV) ang mga katagang ito nang mismong isulat niya ito bilang dedikasyon sa akin para sa aking kopya ng libro niyang 12 Kuwentong Pamasko. At bakit hindi ko sasabihin ’yon gayong nag-alay siya sa bata at bayan ng maririkit na kuwentong pambata na nagtatampok sa galing, talino, at kakayahan ng batang Pilipino. Hitik sa danas, drama, at hiwaga ang buhay ni ROV kaya makulay ang kaniyang naging panulat. Masisilip natin ito sa mga pagsusuri at pagtalakay na ginawa ng iba’t ibang manunulat sa aklat na ito. Heto na ang Bata, Hiwaga, Bansa na maingat na sininop ng dalawa ring mahuhusay na manunulat pambata na sina Dr. Eugene Evasco at Dr. Cheeno Marlo Sayuno.
Nang minsang maging panauhin ko si ROV sa aking programang pang-storytelling sa radyo, at may binasa kaming isang mapangahas niyang kuwento, biniro ko siya: “Lagot ka kapag pinag-aralan ng susunod na henerasyon ang iyong mga akda!” Humagalpak siya ng tawa. Iyong klase ng halakhak na para bang nakaisa! Maaari ngang tinatawanan tayo ni ROV ngayon. Pero pihadong halakhak ito ng pasasalamat sa mga batang nagbasa ng kaniyang mga aklat at sa mga taong nagpahalaga sa kaniyang mayamang kontribusyon sa makabatang kamalayan—sa mundo man ng telebisyon o sa panitikan.
Sa isang panahong ipinaghehele tayo ng barkadahan nina Cinderella, may isang ROV na nangahas na aliwin ang mga bata sa pamamagitan ng kaniyang mga kuwentong Pinoy na Pinoy ang dating. Pihadong sasabihin niya sa atin, “Kayo talaga, kinuwentuhan ko lang naman ang batang si Rene sa loob ko, ang batang si Rene na maagang namatay dahil sa mapapait na realidad ng kaniyang buhay! E nagkataong nagustuhan n’yo ang mga salaysay ko! E di salamat!”
Hindi natin dapat limutin si Rene. Salamat sa pagdating ng aklat na ito na ipinagbubunyi ang pambihirang kontribusyon ni Rene O. Villanueva sa panitikan mula sa lente ng mga taong naimpluwensiyahan ng kaniyang panulat. May pagkakataon na ang mga Gen Z (at ang marami pang henerasyon ng mga batang mambabasa) na makilala ang isa sa mga haligi ng panitikang pambata sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga sanaysay at pag-aaral na ginawa sa kaniya.
Sapagkat walang kamatayan ang isang Rene O. Villanueva!
 
Luis P. Gatmaitan, MD
Awtor ng mga aklat pambata
Tagapangulo, National Council for Children’s Television
Mga Editor: Eugene Y. Evasco & Cheeno Marlo M. Sayuno
ISBN/ISSN: 978621090030-9
Category: Literature; Children; History
Copyright: 2023
Pages: 344pp
Size: 6x9
Type: PB/SP

  • Free US domestic shipping for orders $150+
  • Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
  • Author and Publisher: , UP Press 2023
  • Condition and Binding: New / Softcover
  • Language: Filipino

Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.

View full details

FAQs

What is your shipping policy?

In-stock orders are shipped within 48 hours. You will receive a tracking number via email once your order is on its way.

If the book you ordered is on back order, we will let you know when to expect its delivery. You can read our shipping policy here.

What is your return policy?

If you are not satisfied with your purchase, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.

  • Sale items and gift cards are final sale.
  • We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur. 
  • If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.

You can read our full return policy here.

Can you help me find books not offered in your shop?

We offer a free book search service. Give us the details of the book (title, author, publisher, year) and we will look for it for you. If we find it, we will give you a quote so you can decide whether to move forward or not. You will not be obliged to make the purchase.

Do you ship to my country?

Yes, we ship globally. If you do not see your country as an option at checkout, please let us know.

Customer Reviews

Be the first to write a review
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)
0%
(0)