Ayuda: Mga Dagli sa Panahon ng Quarantine ni Rolando A. Bernales
Ayuda: Mga Dagli sa Panahon ng Quarantine ni Rolando A. Bernales
SKU:PB-10-40281
Couldn't load pickup availability
Low stock: 1 left
Tungkol sa aklat:
Mayroon kasing nagkukwento lang pero hindi alam ang sinasabi. Pero itong mga kwento sa panahon ng quarantine ni Atorni/Propesor Rolando A. Bernales, alam na alam maging ang pinakainililihim mong kirot at kiliti ng danas ng quarantine. Siya ang nagsabi ng hindi mo masabi.
Ikaw ito bilang guro o estudyante. Ikaw ito bilang senior citizen. Ikaw itong si Kagawad o si Kapitan ng sawimpalad na barangay. Ikaw itong nilagpasan ng ayuda o nakalublob sa pangamba. Ikaw itong praning sa lagnat at sakit ng lalamunan. Ikaw itong duktor, nars, tanod, tambay. Ikaw ito. Ako rin ito. Narito tayong binigyan ng maraming mukha ni Bernales. Pinagsalita. Ito ang mga istoryang hindi natin masasabi dahil sa pangambang maisisiwalat natin nang lubos ang ating sarili habang kondenado sa ating mga bahay at trabaho at sakripisyo. Kaya mabuti na lamang at narito ka sa aklat. Mas matapang. Mas pangahas. Basahin mo. Mamangha. Pero huwag kang mabibigla.
JOSELITO D. DE LOS REYES Minsan, gusto kong maniwala na ang kwento ng isa, nagiging kwento ng lahat. Ano pa kaya kung may isandaang dagli gaya ng matatagpuan sa Ayuda: Mga Dagli sa Panahon ng Quarantine ni Rolando A. Bernales? Nagbubukas ang koleksyong itong magkaroon ng reintroduksyon, reinterpretasyon, redepinisyon at renegosasyon ng mga salita sa dati at bagong diskursong kaugnay ng pandemyang nararanasan ng mundo. At trabaho ng mga manunulat (gaya ng ginawa ni Bernales sa koleksyong ito) na may masabing bago sa luma, at kung anong luma sa bago na hindi kailangang magpasintabi sa nakagisnang genre. Kaya pagbati sa may akda na nagsilang ng isandaang akda sa gitna ng pandemya.
EROS S. ATALIA
- Free US domestic shipping for orders $150+
- Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
- Author and Publisher: Rolando A. Bernales, UST Publishing House 2024
- Condition and Binding: New /
- Language: Filipino
Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.
Share
