Skip to product information
1 of 1

Aralin at Siyasat: Mga Pagninilay Hinggil sa Tula by Louie Jon A. Sanchez

Aralin at Siyasat: Mga Pagninilay Hinggil sa Tula by Louie Jon A. Sanchez

SKU:PB-10-40243

Regular price $50
Regular price Sale price $50
Sale Sold out
Shipping calculated at checkout.

Low stock: 1 left

Ang “problema” raw sa atin dito sa Filipinas ay mga kritiko rin ang mga makata/manunulat. Maaaring sabihing suliranin ko rin ito, na isa pang kontradiksiyon. Malinaw sa akin ang aking mga pamumuhunan, at makikita ang mga iyan sa mga paksang pinili kong sulatin o mga usaping kailangan kong sagutin. Pero diyalogo, sa ganang akin, ang una’t huling mithi ng pagsulat, kung kaya’t maaari ring malasin ang ganitong pakiwari bílang biyaya. Kailangang makipagtalastasan ng makata sa kaniyang kapwa makata, sa kasaysayang pampanitikan ng bansa, sa panitikang pandaigdig na may sarili ring pag-aanyo at kasaysayan. Maaaring hindi lámang tula ang maging daan at daluyan ng diyalogong ito; kaya nga siguro may ibang pakikisangkot na tatawagin kalaunan na “kritisismo.” Tulad ng pagiging makata, nakapabigat para sa akin ng etiketa ng pagiging kritiko, kaya, gaya nga ng nasabi, hindi ko tiyak kung ano ang aking itatawag sa mga nasulat kong ito: kritikal na sanaysay, maaari, ngunit para talagang mas kumporme ako na tawagin ang mga ito na “pagninilay.” Sa ganitong pagpapangalan, parang nababalikan ko, muli at muli, ang kalikasan ng tula na tumititig sa danas at sumisinop mula rito ng kislap-diwang maaaring makapagdulot ng panibago at sariwang tingin sa daigdig.
- Mula sa "Panimula, Pananalig"

  • Free US domestic shipping for orders $150+
  • Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
  • Author and Publisher: Louie Jon A. Sanchez, UST Publishing House
  • Condition and Binding: New /
  • Language: Filipino

Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.

View full details