Ang Tatay Kong Cochero at Iba Pang Kuwento
Ang Tatay Kong Cochero at Iba Pang Kuwento
SKU:PB-10-40217
Couldn't load pickup availability
Low stock: 1 left
Lahi yata kami ng cochero. Ang nuno ko na tatay ng lolo ko ang orihinal bagama’t hindi kotse ang pinapatakbo niya kundi isang kalesa. Ang sasakyang ito na hatak-hatak ng isang kabayo ay isa sa unang nagserbisyo sa bayan namin sa Silang. Ipinasa niya ito sa lolo ko na nang lumao’y naging tagapagmaneho ng trak na naghahatid ng tinabas na tubo mula Canlubang, Laguna, hanggang sa azucarera ni Don Pedro sa Nasugbu. Ang tatay ko naman ay nagsimulang magmaneho ng mga unang jeep ng Sarao na limahan lang sa isang hilera at de-gasolina. Samantala, dalawa sa tiyuhin ko na kapatid ng aking ina ay umekstrang ayudante ng perokaril patungong Bikol. Nang ideklara ang batas militar at nagsimulang tumaas ang presyo ng gasolina, iniwan ni Itay ang pagmamaneho ng jeep at bumili ng sariling motorsiklo at nagpagawa ng sidecar upang mamasahero mula sa plaza patungong palengke. Siyempre, pangalan ko ang nakalagay sa harapan ng traysikel at apelyido namin ang nasa saya nito sa likod.
Author: Jimmuel C. Naval
ISBN/ISSN: 978971542890-3
Category: Literary; Short Stories
Copyright: 2019
Pages: 94pp
Size: 6x9
Type: PB/SP
- Free US domestic shipping for orders $150+
- Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
- Author and Publisher: , University of the Philippines (UP) Press 2019
- Condition and Binding: New /
- Language: Filipino
Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.
Share
