Ang Tagalabas sa Panitikan by Chuckberry J. Pascual
Ang Tagalabas sa Panitikan by Chuckberry J. Pascual
SKU:PB-10-40216
Couldn't load pickup availability
Low stock: 1 left
Isang halimbawa ng nagbabagong diskurso, na taglay ang mga magkakaibang impluwensiya ng makabagong pagsulat, ang bagong aklat ni Chuckberry Pascual, Ang Tagalabas sa Panitikan. Tubong Malabon, ibinahagi ng may-akda ang samotsaring karanasan sa kanyang paglaki sa Malabon at sa pag-aaral niya sa Maynila, ang sentro. Tagalabas siya sa maraming paraan. Isa sa pinakamakabuluhan ang papel niya bilang tagasuri ng kulturang popular, ang "kaiba" sa panitikan at kultura. Isang tinig na dapat pakinggan ang may-akda na naglarawan ng ritmo at kulay ng buhay ng mga karaniwang mamamayan sa masigla at masigasig na paraan. -Soledad S. Reyes
Ang pagsusulat ay isang pribadong gawain, kundi man, isang sikreto. Inihahayag lamang ang sikreto ng sarili na may yabang sa workshops, inuman, lektura at usap-usapan (pwede rito sa huli ang pagdududa). Kaya wala kang mai-footnote o refer na reference hinggil sa poetika ng manunulat dahil nga ito ay pribado’t sikreto.
May tapang na inilalahad ni Chuckberry Pascual sa Ang Tagalabas sa Panitikan ang kanyang sikreto—ang pribado naging publiko, ang publikong pribado na mahalaga sa produksyon ng bagong kaalaman sa disiplina ng malikhaing pagsulat at kasaysayang pampanitikan. Bakit hindi ka tatapang kung si Madonna (for now) ang peg ng buhay at panulat mo? Kung queer kang manunulat na nilalang, ang tangi mong yaman, bukod sa talino’t galing, ay ganda.
Kaya papasukin natin ang tagalabas para lumabas din ang mga usapang panulat na nananatiling nasa laylayan. Simulan na ang pagrampa!
-Rolando B. Tolentino
- Free US domestic shipping for orders $150+
- Ships from: New Jersey or Manila whichever location is closer to you; see shipping fee at Checkout
- Author and Publisher: Chuckberry J. Pascual, UST Publishing House
- Condition and Binding: New /
- Language: Filipino
Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.
Share
