{"product_id":"pulang-pagibig-by-alexandra-kollontai-salin-sa-filipino-ni-faye-cura","title":"Pulang Pag-Ibig by Alexandra Kollontai, Salin sa Filipino ni Faye Cura","description":"\u003cp\u003eAng nobelang Vassilissa Malygina (Vasilisa Malygina sa iba) ay inilathala sa Russia noong 1923. Noong 1927, inilabas ng Seven Arts Publishing Co. sa New York ang salin nito sa Ingles na pinamagatang Red Love at siyang pinaghalawan ng popular na bersiyon sa Hapones na inilimbag sa parehong taon at pinaghanguan ng iba pang mga edisyon sa Koreano at Tsino. Ang tekstong Ingles ding ito, na matatagpuan ngayon sa Marxists Internet Archive, ang batis at batayan ng saling ito sa Filipino.\u003cbr\u003e\nAng nobela ay tungkol sa isang babae na nagsisikap na maging mabuting asawa, kasama, at komunista sa panahon ng rebolusyon sa Russia. Sa kasaysayan, sakop ng rebolusyonaryong panahong ito ang pagbubuo ng Partido Komunista ng Russia mula pa noong 1898; ang pagkatalo ng Russia sa gera laban sa Japan noong 1904-1905 at paghina ng monarkiya nito; at ang pag-aalsa ng libo-libong manggagawa na nagbigay-daan sa Bloody Sunday massacre noong 1905. Partikular sa kuwento, sakop ng panahon ang Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918) na nilahukan ng Russia at nagresulta sa matinding krisis at kagutuman sa masa; ang Rebolusyon ng 1917 na tuluyang nagpabagsak sa Imperyong Ruso; ang digmaang sibil mula 1917 hanggang 1923 sa pagitan ng mga Komunista at kanilang mga katunggali; at ang mga sumunod na taon ng dekada 1920s, matapos itatag ang Unyong Sobyet (USSR) noong 1922. Makikita sa nobela ang mga tunggalian, kontradiksiyon, pakikibaka, at pag-igpaw ng mga Bolshevik sa sarili, mga kasama, at kinagisnang kultura ng bansa sa pagtatayo ng isang sosyalistang lipunan.\u003c\/p\u003e\n\n\u003cp\u003e2024\/254pp\u003cbr\u003e\nbookpaper\/paperback\u003c\/p\u003e","brand":"Philippine Books","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":51533335396644,"sku":"PB-43856","price":25.0,"currency_code":"USD","in_stock":true}],"thumbnail_url":"\/\/cdn.shopify.com\/s\/files\/1\/0776\/3794\/3588\/files\/ph-11134207-7ras9-m15b0ddxtnrgf3.jpg?v=1767387329","url":"https:\/\/www.philippinebooks.com\/products\/pulang-pagibig-by-alexandra-kollontai-salin-sa-filipino-ni-faye-cura","provider":"Philippine Books","version":"1.0","type":"link"}