{"product_id":"pamumuhay-sa-panahon-ng-ligalig-si-bart-pasion-at-ang-rebolusyong-pilipino-eduardo-c-tadem","title":"Pamumuhay sa Panahon ng Ligalig: Si Bart Pasion at ang Rebolusyong Pilipino by Eduardo C. Tadem","description":"\u003cp\u003eIsinilang si BARTOLOME PASION noong 1928 mula sa pamilya ng kasamá sa isang tradisyonal na asyenda sa lalawigan ng Pampanga. Noong 1942, sa gulang na labing-apat, sumapi siya sa makakaliwang hukbong gerilya laban sa mga Hapon, at sa kalaunan ay sumapi siya sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at sa armadong hukbo nito, ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB). Lumahok si Pasion sa rebelyong pinangunahan ng PKP-HMB noong 1946–1950s. Siya’y nadakip at napiit nang siyam na taon. Nang siya’y lumaya, ipinagpatuloy niya ang mga gawaing pag-oorganisa ng mga pesante at sa kalaunan ay naging kasapi ng namumunong organo ng PKP. Mula taong 1970 pataas, nagpatuloy siya sa pag-oorganisa ng kaniyang kapuwa magbubukid habang nakikisalamuha sa mga grupo ng lipunang sibil at kilusang masa. Namatay siya noong Hulyo 2016.\u003c\/p\u003e\n\n\u003cp\u003eAng isinagawang pag-aaral na ito’y kasaysayan ng buhay ng mga karaniwang tao at ang pagsasalimbayan at pagtatagpo sa pagitan ng buhay ng isang tao at ng mas malalaking bagol ng kasaysayan ng mga pangyayaring nagaganap sa lipunan at kung paano ito nakaapekto sa isa’t isa, ng mga akdang nailatag mula sa perspektibang “kasaysayan mula sa ibaba.” Subalit tulad ng tinuran ni Reynaldo Ileto, ang pananaw na ito’y nag-aalis din ng mga modelo ng pag-uugaling “binuo sa alinman \/ o sa mga oposisyon” at sa pagtuklas sa mga “bahagyang katapatan, binabantayang mga akomodasyon, pabago-bagong identidad, at pagbabago sa kahulugan ng awtoridad at kaligtasan.”\u003c\/p\u003e\n\n\u003cp\u003eAng kasaysayan ng buhay ni Bart Pasion ay sumasalamin sa buhay ng mga tinutukoy ni Eric Hobsbawm na “mga di-karaniwang tao . . . na kolektibo, kundi man bilang indibidwal . . . ay mga pangunahing aktor sa kasaysayan,” at sa kanilang kaisipan at ginawa ay nagdulot ng pagbabago. Idinagdag naman ni Al McCoy na “sa pamamagitan ng masinsing pagsusuri sa karaniwang buhay at ikalawang antas na mga lider, naliliwanagan ng mga gayong talambuhay ang mga malabong bahagi sa loob ng malawak na nakaraan ng Pilipinas, na nagpapahintulot sa higit na malawak na pagtingin sa proseso ng pagbabago.”\u003c\/p\u003e\n\n\n\u003cp\u003eAuthor: Eduardo C. Tadem\u003cbr\u003e\nTranslator: Gregorio V. Bituin Jr. \u003cbr\u003e\nISBN\/ISSN: 978621090054-5\u003cbr\u003e\nCategory: History\u003cbr\u003e\nCopyright: 2024\u003cbr\u003e\nPages: 248pp\u003cbr\u003e\nSize: 6x9\u003cbr\u003e\nType: PB\/SP\u003c\/p\u003e","brand":"Philippine Books","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":50650372964644,"sku":"PB-41588","price":45.0,"currency_code":"USD","in_stock":true}],"thumbnail_url":"\/\/cdn.shopify.com\/s\/files\/1\/0776\/3794\/3588\/files\/ph-11134207-7rasb-m3kgoktljmd64a_b050775e-5143-49cc-a30a-17f80e67b69e.webp?v=1751975095","url":"https:\/\/www.philippinebooks.com\/products\/pamumuhay-sa-panahon-ng-ligalig-si-bart-pasion-at-ang-rebolusyong-pilipino-eduardo-c-tadem","provider":"Philippine Books","version":"1.0","type":"link"}