{"product_id":"isang-taong-resty-ni-jov-ortua-almero","title":"Isang Taong Resty ni Jov Ortua Almero","description":"\u003cp\u003eLalong pinagtibay ng Isang Taong Resty ang alam ko nang kahusayan ni Jov Ortua Almero na magsilid ng mga karaniwang buhay sa nobela, maghulma ng kasalukuyang anyo ng realismo sa pagkatha na may marubdob na pagmamahal sa mga taong gusto lang “mamuhay nang may dignidad” samantalang naghahanap ng buhay at kapalaran. Nang mabasa ko noon ang una niyang nobelang Isang Dekadang Resty, wala akong magawa kundi mamangha sa nobelista, mahalin ang batang tauhang si Resty, at mangarap ng isang mas mabuting mundo para sa kaniya. Sa pagpapatuloy ng kuwento niya sa bagong nobelang ito, malaki na si Resty, at isang taong nagsisikap kumatha ng sariling buhay samantalang humaharap sa inaakalang pagwawakas ng mundo, mga posibilidad ng pagmamahal, patong-patong na pagkabigo, at pira-pirasong paglaya’t pagpapalaya. Sa bandang huli, tungkol ito sa mga binabago’t hindi mababago ng panahon—tulad ng lahat ng mahuhusay na nobelang nagpapaalala sa atin kung ano’t para saan ang ating mga ipinaglalaban. Napakahirap bitiwan ng nobela kahit nang matapos ko nang basahin ito, at sigurado akong isa si Resty sa mga tauhan sa panitikan na hindi ako iiwan sa loob ng mahabang panahon.\u003cbr\u003e\n—Edgar Calabia Samar, may-akda ng Janus Silang\u003c\/p\u003e\n\n\u003cp\u003eAuthor: Jov Ortua Almero\u003cbr\u003e\nISBN\/ISSN: 978621090108-5\u003cbr\u003e\nCategory: Literary; Fiction; Novel\u003cbr\u003e\nCopyright: 2025\u003cbr\u003e\nPages: 208pp\u003cbr\u003e\nSize: 6×9\u003cbr\u003e\nType: PB\/SP\u003c\/p\u003e","brand":"Philippine Books","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":51533231325476,"sku":"PB-42937","price":30.0,"currency_code":"USD","in_stock":true}],"thumbnail_url":"\/\/cdn.shopify.com\/s\/files\/1\/0776\/3794\/3588\/files\/ph-11134207-81ztn-mgn8lo2oqihad5.jpg?v=1767382790","url":"https:\/\/www.philippinebooks.com\/products\/isang-taong-resty-ni-jov-ortua-almero","provider":"Philippine Books","version":"1.0","type":"link"}