Anim na Sabado ng Beyblade by Ferdinand Pisigan Jarin
In stock
Ang personal na sanaysay ang pinakanarsisistiko sa mga anyong pampanitikan: “I, me, myself,” “Ai-Ai” (I, I), “Mimi” (me, me) at “back-to-me” dahil paratihang patungkol ito sa karanasan, mundo at pananaw sa mundo ng manunulat. Sa mga sanaysay na ito ni Jarin, dinadala tayo sa iba-ibang sityo at panahon ng kanyang buhay, ang musikang kinakaaliwan, ang mga isyung pinagdadaanan at kinakaharap: matalas, magaan, parang nagsasalaysay lang.
Na ang kanyang natatangi at tinatanging mundo ay hindi naman pala hiwalay at kakaiba sa ating mundo noon, ngayon at sa hinaharap, umigpaw na si Jarin sa personal na sanaysay bilang personal na bagay lamang. Ito ay kolektibong salaysay ng isang henerasyong nauna’t kahaharapin nating lahat: malungkot-masaya, tamis-anghang, nauna’t nahuli lang tayo sa mga lakbay at salaysay dito.
—ROLANDO B. TOLENTINO
Mapaglaro ang bagting ng kwerdas ng mga kwentong buhay ni Gwapo (tawag ng henerasyong kami sa PNU sa kanya). Parang mga mailap na notang hinahanap nyang pilit ang kanyang pagkataong parang pinadpad sa kung saan-saan at kung kani-kanino. Paglilikom ng alaala mula sa pinag-ugatan ng kanyang pagkatao batay sa kuwento ng mga kamag-anak at kakilala, hanggang sa pagtungkab ng langib sa sugat ng mga nakaraan. Kinikilala nya ang kanyang sarili mula sa pagkukuwento ng kanyang anak, pagpapamilya, espiritwalidad, paglalakbay, kamusmusan at karanasan. Hindi namalayan ni Ferdinand Pisigan Jarin, sa mga salaysay nyang ito, nagsama-sama ang mga nota ng kwentong buhay-buhay na bumuo ng isang musikang angkop upang maging official soundtrack ng isang matagumpay na koleksyon ng mga akda. Tayo na’t makinig sa melodiyang hatid ng mga tonong may kurot, sundot, haplos, dagok at hagod sa orkestrasyon ng kanyang mga sanaysay.
—EROS S. ATALIA
Bihira ang manunulat na kayang patawanin at paiyakin nang sabay ang mga mambabasa. Kaya pambihira ang aklat na ito ni Ferdinand Pisigan Jarin. Sa Anim na Sabado ng Beyblade ibinabahagi sa atin ni Jarin ang kanyang mga karanasan, ibinibigay sa atin ang mga pilas ng kanyang pagkatao. Tatawa tayo at iiyak dahil tiyak na makikita natin ang ating mga sarili sa mga pahina ng librong ito. At sigurado ako, aabangan natin ang mga susunod na aklat ni Jarin.
—JERRY B. GRACIO
Details
Details
Author: Ferdinand Pisigan Jarin
Publisher: UST Publishing House
Year:
Condition: New
Cover:
Language: Filipino
ISBN:
Shipping and Return Policy
Shipping and Return Policy
We ship globally from two locations: New Jersey and Manila.
For books shipping from New Jersey, we offer USPS Media Mail, USPS Ground Advantage, and USPS Priority Mail. For non US addresses, we ship via DHL.
For books shipping from Manila to the US, you can choose between two options.
Express: Your book ships directly to you via DHL. This is the fastest option.
No Rush: Your book is included in our regular shipment from Manila to NJ. Once it arrives in NJ, we ship it to you right away via USPS. This option takes longer but helps keep shipping costs lower.
For non-US addresses, we ship via the Express option.
If you don't see your country as a shipping destination, contact us so we can help you out.
You can read our full shipping policy here.
Return Policy
Return Policy
We want you to be happy with your purchase. If you are not satisfied, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.
- Sale items and gift cards are final sale.
- We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur.
- If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.
You can read our full return policy here.
Your security is our top priority.
We use industry-standard SSL (Secure Sockets Layer) encryption to ensure your information is fully protected.
We do not store credit card details nor have access to your payment information.

