Anim na Sabado ng Beyblade by Ferdinand Pisigan Jarin
Anim na Sabado ng Beyblade by Ferdinand Pisigan Jarin
SKU:PB-10-40224
Couldn't load pickup availability
Low stock: 1 left
"Ang personal na sanaysay ang pinakanarsisistiko sa mga anyong pampanitikan: “I, me, myself,” “Ai-Ai” (I, I), “Mimi” (me, me) at “back-to-me” dahil paratihang patungkol ito sa karanasan, mundo at pananaw sa mundo ng manunulat. Sa mga sanaysay na ito ni Jarin, dinadala tayo sa iba-ibang sityo at panahon ng kanyang buhay, ang musikang kinakaaliwan, ang mga isyung pinagdadaanan at kinakaharap: matalas, magaan, parang nagsasalaysay lang.
Na ang kanyang natatangi at tinatanging mundo ay hindi naman pala hiwalay at kakaiba sa ating mundo noon, ngayon at sa hinaharap, umigpaw na si Jarin sa personal na sanaysay bilang personal na bagay lamang. Ito ay kolektibong salaysay ng isang henerasyong nauna’t kahaharapin nating lahat: malungkot-masaya, tamis-anghang, nauna’t nahuli lang tayo sa mga lakbay at salaysay dito.
—ROLANDO B. TOLENTINO
Mapaglaro ang bagting ng kwerdas ng mga kwentong buhay ni Gwapo (tawag ng henerasyon namin sa PNU sa kanya). Parang mga mailap na notang hinahanap nyang pilit ang kanyang pagkataong parang pinadpad sa kung saan-saan at kung kani-kanino. Paglilikom ng alaala mula sa pinag-ugatan ng kanyang pagkatao batay sa kuwento ng mga kamag-anak at kakilala, hanggang sa pagtungkab ng langib sa sugat ng mga nakaraan. Kinikilala nya ang kanyang sarili mula sa pagkukuwento ng kanyang anak, pagpapamilya, espiritwalidad, paglalakbay, kamusmusan at karanasan. Hindi namalayan ni Ferdinand Pisigan Jarin, sa mga salaysay nyang ito, nagsama-sama ang mga nota ng kwentong buhay-buhay na bumuo ng isang musikang angkop upang maging official soundtrack ng isang matagumpay na koleksyon ng mga akda. Tayo na’t makinig sa melodiyang hatid ng mga tonong may kurot, sundot, haplos, dagok at hagod sa orkestrasyon ng kanyang mga sanaysay.
—EROS S. ATALIA
Bihira ang manunulat na kayang patawanin at paiyakin nang sabay ang mga mambabasa. Kaya pambihira ang aklat na ito ni Ferdinand Pisigan Jarin. Sa Anim na Sabado ng Beyblade ibinabahagi sa atin ni Jarin ang kanyang mga karanasan, ibinibigay sa atin ang mga pilas ng kanyang pagkatao. Tatawa tayo at iiyak dahil tiyak na makikita natin ang ating mga sarili sa mga pahina ng librong ito. At sigurado ako, aabangan natin ang mga susunod na aklat ni Jarin.
—JERRY B. GRACIO
"
- Free US domestic shipping for orders $150+
- Ships from: New Jersey or Manila, whichever location has the book in stock and is closer to you; see shipping fee at Checkout
- Author and Publisher: Ferdinand Pisigan Jarin, UST Publishing House
- Condition and Binding: New /
- Language: Filipino
Return Policy: Let us know within 14 days of receiving your order to receive store credit.
Share

FAQs
What is your shipping policy?
In-stock orders are shipped within 48 hours. You will receive a tracking number via email once your order is on its way.
If the book you ordered is on back order, we will let you know when to expect its delivery. You can read our shipping policy here.
What is your return policy?
If you are not satisfied with your purchase, we will be pleased to issue store credit within 14 days of order fulfillment.
- Sale items and gift cards are final sale.
- We do not give refunds except in cases where we have made an error. If we made a mistake, we will rectify the error and refund reasonable return shipping expenses you incur.
- If you wish to cancel your online order for any reason, you will receive store credit, not a refund.
You can read our full return policy here.
Can you help me find books not offered in your shop?
We offer a free book search service. Give us the details of the book (title, author, publisher, year) and we will look for it for you. If we find it, we will give you a quote so you can decide whether to move forward or not. You will not be obliged to make the purchase.
Do you ship to my country?
Yes, we ship globally. If you do not see your country as an option at checkout, please let us know.