{"product_id":"ang-mahabat-kagyat-na-buhay-ng-indie-sinema-tolentino-atienza","title":"Ang Mahaba't Kagyat Na Buhay Ng Indie Sinema by Rolando B. Tolentino and Aristotle J. Atienza","description":"\u003cp\u003eSimula nang pormal na nailuwal noong 2005, mabilis na nagkaroon ng template at baryasyon ang konseptuwalisasyon, produksiyon, postproduksiyon, eksibisyon, sirkulasyon, at popular at kritikal na resepsiyon ng Pinoy indie sinema. Ito ang kagyat niyang buhay. Nagpapatuloy pa ang afterlife nito hanggang sa paglathala nitong libro. Ito naman ang mahaba niyang buhay. Sa katunayan, itong ikatlong golden age ng Philippine sinema ang siyang pinakamahaba ang yugto kumpara sa naunang dalawa.\u003c\/p\u003e\n\n\u003cp\u003eNagsasaliw sa antolohiyang ito ang mga akda ng mga iskolar at kritiko sa araling kultural at ng mga filmmaker upang maunawaan at masipat ang kasalukuyan at retrospektibong danas sa Pinoy indie sinema. May tumutukoy sa naiibang anyo o estilo sa paglikha, malayo sa nakaugaliang pamamaraan ng pagkukuwento sa pelikula. May nagbibigay ng atensiyon sa pagbabakasakali ng mga bagong mukha, pinahahalagahan ang pakikipagsapalaran sa paggawa ng pelikula na hiwalay sa mga nakasanayang produksiyon ng sine na namamayani sa mahabang naunang panahon. May iba na ang sinsin ay nakaangkla sa yugto sa kasaysayan ng pagpepelikula, sintomas ng kontemporaneo ng sineng pambansa.\u003c\/p\u003e\n\n\u003cp\u003eSaksi ang pagtatanghal ng mga sanaysay na narito sa \u003cem\u003eAng Mahaba’t Kagyat na Buhay ng Indie Sinema\u003c\/em\u003e na hindi lamang iisa ang Pinoy indie sinema kundi nasa maramihang nagsasapakat at nagtutunggalian. Matatagpuan dito ang talastasan ng mga mananaliksik at manlilikha sa\/ng pelikula, na kapwa tataluntunin at gagalugarin ang sining at politika ng praktika sa pagpapakahulugan sa Pinoy indie sinema.\u003c\/p\u003e","brand":"Philippine Books","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":50650357498148,"sku":"PB-40190","price":65.0,"currency_code":"USD","in_stock":true}],"thumbnail_url":"\/\/cdn.shopify.com\/s\/files\/1\/0776\/3794\/3588\/files\/ph-11134207-7r98z-ln19iu30knjz83_902e486c-65ef-4a90-986b-e38d2d6e08fb.webp?v=1751975443","url":"https:\/\/www.philippinebooks.com\/products\/ang-mahabat-kagyat-na-buhay-ng-indie-sinema-tolentino-atienza","provider":"Philippine Books","version":"1.0","type":"link"}